Photo credit to Newz.com |
Lahat ng bata saan mang sulok ng mundo marahil ay pangarap makita ng personal ang bida tuwing Pasko na walang iba kundi si Santa Claus. Ngunit paano kung ang pagkikita ni Santa at ng isang batang may sakit ay mapupuno pala ng kalungkutan?
Ang malungkot na pangyayaring ito ay ibinahagi mismo ng 60 anyos na si Eric Schmitt-Matzen na nagtratrabaho diumano bilang si Santa Claus at nagpapasaya sa mga batang may sakit sa mga ospital sa kanilang lugar.
Photo grabbed from Google | Credit to the owner |
Sadyang kakaibang kalungkutan ang kanyang naging karanasan isang araw, nang kanya mismong masaksihan ang pagpanaw ng isang batang may cancer habang yakap yakap niya ito.
Kwento ni Eric, gaya ng nakagawian tuwing sasapit ang Pasko, tinawag siya ng isang nurse para pagbigyan ang hiling ng isang batang may sakit na makita si Santa Claus, kaya hindi nagdalawang-isip diumano si Eric na bigyan ng ngiti ang bata.
"My phone rang. On the other end of the line was a nurse I know, she works in a hospital, she told me that there was a 5-year-old boy, who was very sick and his greatest wish was to meet Santa Claus," pahayag ni Eric Schmitt-Matzen.
Agad namang sinabi ni Eric sa nurse na darating siya agad at isusuot lamang ang costume ni Santa ngunit sumagot ang nurse na hindi na raw ito kailangan at isuot na lamang ang kanyang salamin at suspender at pumunta kaagad sa ospital dahil wala na silang oras at baka hindi na niya abuting buhay ang bata.
Photo credit to Newz.com |
Nang makarating sa ospital, nakita ni Eric na mahina na ang bata at mukhang handa na itong matulog at magpahinga na. Ngunit ng makita siya nito ay agad ngumiti kaya nilapitan agad ni 'Santa Claus' ang bata at sinabi na siya ang kanyang paboritong 'elf' kaya kailangan niyang hintayin ang araw ng Pasko.
"The little guy was very weak, he looked like he was ready to sleep forever, he saw me and smiled, I sat on the edge of his bed and told him: 'Did I hear you're going to miss Christmas? No way you can miss Christmas!...you know what, you're my number one, favorite elf, then the boy lit up his face and asked me 'Really?" ani Eric.
Matapos ay ibinigay niya diumano sa bata ang regalo niyang laruan at ng makita ito ng bata ay buong saya itong binuksan at niyakap ng mahigpit si "Santa Claus' sabay nagpasalamat.
"The little guy was very weak, he looked like he was ready to sleep forever, he saw me and smiled, I sat on the edge of his bed and told him: 'Did I hear you're going to miss Christmas? No way you can miss Christmas!...you know what, you're my number one, favorite elf, then the boy lit up his face and asked me 'Really?" ani Eric.
Matapos ay ibinigay niya diumano sa bata ang regalo niyang laruan at ng makita ito ng bata ay buong saya itong binuksan at niyakap ng mahigpit si "Santa Claus' sabay nagpasalamat.
"Then, I gave him the gift, it was a toy from the PAW Patrol TV series, he opened it with a lot of effort while a smile formed on his little face, then he sat up to give me a big hug.", aniya.
Sinabi raw sa kanya ng bata na malapit na siyang pumanaw ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta.
"They say I'm going to die, how will I know where I'm going when I get there?" the little boy asked Santa, to which he replied, "When you get there, you tell them you're Santa's number one elf and you're going in right away.", malungkot na pahayag ni Eric.
At sa yakap at palitan ng mga salitag iyon ay pumanaw ang bata sa bisig ni 'Santa' habang ang mga magulang niya ay iyak-iyak na pinapanood ito.
Doon ay iniabot na ni Eric ang bata sa kanyang mga magulang at dali-daling umalis sa ospital. Pahayag ni Eric, sobrang naapektuhan raw siya ng pangyayaring iyon, na halos umabot sa puntong ayaw niya ng magtrabahong muli bilang si Santa Claus.
"I handed her son over to her and left immediately. It affected me so much that I questioned whether I should play Santa Claus again," pagtatapos ni Eric.
Photo credit to Newz.com |
Source: Newz.com | Facebook