Batang Ina, ibinahagi kung paano nakapagtapos ng kolehiyo habang kasamang pumapasok ang 2-anyos na anak! - The Daily Sentry


Batang Ina, ibinahagi kung paano nakapagtapos ng kolehiyo habang kasamang pumapasok ang 2-anyos na anak!



Maaga man na nagkaanak ay hindi ito naging hadlang para sa pursigidong ina na si Joy Vicente upang makapagpatuloy sa pag-aaral. Isinasama nito noon sa halos araw-araw niyang pagpasok sa paaralan ang noo'y 2-anyos na anak na si Vianca Vienz.

At matapos nga ang kanilang 4 na taong pakikipagsapalaran ay buong pagmamalaking ikinuwento ni Joy ang kanilang naging karanasan tungo sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.



Narito ang kaniyang salaysay:

"#youngestcollegegraduate oh my God.. naiiyak ako seeing these pictures...almost 4 years ago nung una kitang dinala sa skul ko..youre only 2 years old pero pumapasok kna sa college. Tatlo pa tayo ng daddy mo ang pumapasok nun sa #Cvsu halos pangalawang bahay n nga natin un eh, pero nung mag stop c daddy mo at nag give way skin, dalawa tau nag tyaga hanggang sa ngayon nga ito na anak nakasuot na tayo ng itim na toga. Naiiyak ako kapag naiisip ko lahat ng pagtitiis natin. Ang hirap maging isang estudyanteng nanay. Yung mageexam ka buhat mo ang tulog mong anak habang pinipilit mong magsagot ng exams with matching computation pa.. nanginginig at nangangalay ako nun pero kailangan ko sagutan un ng hindi ka magigising...gusto ko parin komportable ka kahit nahihirapan ako."

Vin-zl Joy Vicente | Facebook


"Yung malelate ako sa morning class ko kasi hndi kita magising kasi pagod ka tapos hindi ako nakapag exam one time kasi nga late. Tapos Yung bumabagyo halos baha na buhat kita nun at mga gamit ko sa skul at personal mong gamit like dede, toys, damit pamalit, pero nabasa parin tayo nun kaya nagkasakit ka. Yung araw araw pagdating ko sa skul para akong walking dead kasi haggard face sa bigat mo kasi at ng bag ko. Yung pagkagaling sa skul yung gawaing bahay naman ang aatupagin ko, ung pag mat exam ako at may skit ka nid ko umabsent, ung sa madaling araw n ako magrereview pra tapos n lahat ng dpat ko gawin at tulog kna. Pero naisip ko mas mahirap naman ung maging isang batang college."

Vin-zl Joy Vicente | Facebook


"Yung hindi mo nasulit maglaro sa labas kasi kasama kita sa skul ko.. na imbes na nakikipag takbuhan ka s mga kalaro mo andun ka sa skul nakikinig sa mga lectures namin. Nagawa mo n nga ipasa ang calculus, accounting, basic finance, at iba pang major subjects ko. Yung nasisira tulog mo kasi kailangan kita gisingin, yung natiis mo ang init sa cvsu hehehe,yung minsan sayo ko nabubuhos ung init ng ulo kapag stress sa bahay at sa skul, pinaka tumatak skin yung isang beses ginigising kita para sa morning class gabi na kasi tapos ng class ko 8pm tapos kinabukasan 7 am ang clas,, umiiyak ka nun tapos bigla mo sinabi sakin na "AYOKO NA MOMMY, PAGOD NA AKO". parang dinurog puso ko nun.. those words coming from a child.."

Vin-zl Joy Vicente | Facebook


"Ibig sabihin lang nun totoo na, pero i dont have choice , kaya nga evrytime ayaw mo gumising lagi nlng kita pinupunasan tapos papalitan damit then yun bubuhatin na kitang tulog para pumasok n sa skul wala k ng ligo ligo lagi para lang hndi kita maistorbo sa tulog mo. Naiiyak ako pag naiisip ko lahat ng yun..pero swerte ako kasi ako lang ata ang kolehiyalang may bitbit lagi na lucky charm. Yung sau ko binabanggit lahat ng nirereview ko na sabi mo para akong loka loka hahah, yung every p.e class ko ako lang yung bukod tanging may cheerer "GO MOMMY", haha yung ikaw lagi kong ipang pofront sa mga professors ko kapag may ipapasuyo ako, yung ikaw lagi naming laruan sa skul kapag nabobore, at yung ikaw lagi nagsasabi skin na ang galing galing ko kpag sinasabitan ako ng medalya.na dahil sayo pinilit ko hindi maalis sa deans lister..."

Vin-zl Joy Vicente | Facebook


"Ang dami nating memories together. Nang dahil dito natuto ako magtyaga at natuto akong maging flexible. May mga nagtatanong bakit hndi ko nlang ipaalaga anak ko, isa lang lagi kong sagot. "KAYA KO NAMAN, AYOKO IASA SA IBA ANG PAG AALAGA KO SKNYA, GUSTO KO HABANG INAABOT KO ANG MGA PANGARAP KO, NAKIKITA KO AT NABABANTAYAN KO ANG PAGLAKI NG ANAK KO. MINSAN LANG SILANG MAGIGING BATA AT AYAW KO YUN HINDI MAKITA" kahit ano pa man ang mangyari stin, mahalaga parin makatapos ng pag aaral, na kahit mahirap magagawa natin kung gusto tlga natin.Nakakatuwa lang na isipin na after ng lahat finally ito na..oo maaga ako nagka anak, dami nga nagulat kasi valedictorian ako nun tapos ganun lang mangyayari sakin, pero wala ako naging pagsisisi kasi simula ng dunating ka sa buhay ko lahat nagbago, na dahil sayo naging matured ako."

Vin-zl Joy Vicente | Facebook


"Hindi ko inasa ang pagaalaga ko sau kahit kanino dhil gusto ko panindigan kung anuman ang ginawa ko nuon. Gusto ko abutin ang mga pangarap ko dahil pagkabata o pagiging dalaga lang ang nawala sakin nung mabuntis ako pero hindi ang mga pangarap ko at ang kakayahan kong abutin ito. Tama nga ang kasabihang kung gusto maraming paraan pag ayaw maraming dahilan. And lahat ito nagawa namin ng anak ko dahil andyan lagi ang daddy Victor Y Aquino namin. Na lahat ng pangangailangan namin financially,emotionally, physically ay naipoprovide mo smin, na ikaw laging nagbibida samin ng anak mo sa lahat ng kinakausap mo. Na ikaw na tumutulong skin kapag d ko n tlga kaya. At ikaw na nagwork para lang makapag aral kami ng anak mo kahit alam ko n gustong gusto mo ring makatapos."

Vin-zl Joy Vicente | Facebook


"D bale ikaw nman ang sunod. At sa lahat ng pang uunawa mo skin kahit nagkukulang ako sayo.
Sa lahat ng naniniwala samin at sa lahat ng tumulong smin sa skul, sa mga professors ko epecially sa natsci department na naging palaruan ni vianca na pag may klase ako minsan sakanila ko iniiwan c vianca at lahat sila ay naging baby sitter niya. Sa lahat ng bagay n ibinigay nio smin mag ina, sa pagkain at walang sawang pagsuporta maraming salamat. Sa iba ko pang professors na simula first year naging mabuti sa anak ko na kahit hndi ko n prof. Kinukuha parin anak ko para lang bilhan ng pagkain o kaya bigyan everytime na makikita sya. Na lagi nio sya pinupuri at kinukwento sa ibang tao.sa mga scholarships ko na naging malaking tulong especially sa Simbayanan ni Maria na sa loob ng apat na taon ay sinuportahan ako sa aking pag aaral at sa laht ng recogntions na ibinigay ninyo sakin."

Vin-zl Joy Vicente | Facebook


"Sa mga kaibigan ko na naging katu-katulong ko kay vianca at sa pagmamahal at pag pupush skin na wag mawawalan ng pagasa.sa eskwelahan kong CAVITE STATE UNIVERISTY imus salamat sa pang unawa nio at kahit hndi pwede may bata sa skul pinayagan nio parin ako.salamt sa pagtatanggol kapag nasisita ako ng ibang mga kamag aral ko na gusto rin mag dala ng kanilang anak. And epecially sa pamilya ko na laging nagtitiwala skin at nagmamahal..sa papa Melvin Balbin Vicente ko sa suportang ibinigay nio po, mama Liezl Malanay ko sa lagi pagispoil skin at pagmamahal,mommy  Myr Yalong Noquia sa mga payo p... sa lahat lahat maraming salamat. At higit sa lahat kay God na nagbigay skin ng lakas at nag guide. At epecially sa anak kong si VIANCA VIENZ.  salamat aking cheat mate,college buddy, best friend, etc.masayang masaya ako na heto na malapit na tlga.. hindi pa tlga huli ang lahat para skin. Sana balang araw pati mga kapatid ko makapasuot din ng itim na toga hindi lang ako. Magtutulungan tayo. Salamt tlga papa God"

Vin-zl Joy Vicente | Facebook