Hindi maikakaila sa atin na ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan lalo na sa mga jeepney ay napakadelikado. Hindi lang dahil sa mga drivers na kaskasero kung magpatakbo, kundi dahil sa loob ng jeep nagkakaroon ng nakawan at holdapan.
Photo credit: May Castro
Kaya naman pinapayuhan ang mga pasaherong nakasakay sa loob ng jeep na huwag gagamit ng kanilang cellphone dahil baka may mga masasamang loob na nag-aabang upang kunin ito.
Gayun din ang pag-iingat na ibinibilin sa ating mga kababayan na ingatang mabuti ang ating mahahalagang bagay lalo na ang ating pera dahil hindi natin alam kung kailan aatake ang mga kawatan.
Samantala, isang misteryosong babae ang namataan na may dala-dalang bundle ng pera at suot suot na mga gintong alahas. Sa Facebook page na "Go Davao", ibinahagi nito ang larawang in-upload ni May Castro kung saan nakasakay ng jeep ang babae.
Kung saan man nanggaling ang mga dala-dala nitong pera at mga suot na alahas ay walang makakapagsabi. Ngunit hindi maiwasan ng mga netizens ang mag-alala sa babae dahil takaw atensyon sa mga masasamang loob ang kanyang ginagawa.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
May mga netizens na natawa at sinabing peke ang mga suot na alahas ng babae. Anila, kung ganoon karami ang kanyang alahas ay mayroon na rin sana itong sariling sasakyan at hindi na sumasakay ng jeep.
Ang ilan naman ay sinabing hindi nagsusuot ng maraming alahas ang taong totoong maraming pera o mayaman.
Sa ngayon ay umabot na sa 1.9k reactions at 2.6k shares ang nasabing post.
Basahin sa ibaba ang post mula sa Go Davao page:
"NAOL YAYAMANIN!
Hindi raw napigilan ni May Castro ng Santa Cruz, #DavaoDelSur, na kunan ng litrato ang isang babaeng nakasabay niya sa jeep na may dala-dalang plastik na puno ng pera. Karamihan dito, tig-iisang libo!
Kuha rin sa larawan ang malalaki at makikinang na alahas nito na tila hindi natatakot na manakawan. Iba rin!
Hindi man nalaman ng photo uploader ang pagkakakilanlan ng nasabing babae, panigurado namang iisa lang ang ating masasabi...
3... 2... 1... SANA ALL!"
Basahin ang ilang nakakaaliw na komento ng mga netizens sa ibaba:
"Kelangan talaga hawak yung pera?? Para saan ang bag? Yung leef nyo po may space pa..kulang pa sa kwintas..then yung daliri dapat lahat may singsing.. (smiley emoticon)" sabi ni Maureen Alixes Dacdac.
"Fake yan suot ni ate marami nabili sa ilalim ng Quaipo church ng mga ganyan jewelry," sabi ni Cathy Camacho.
"May nakasakay nko ganyan sa Carmona lalaki naka plastic bag yung pera ang dami parang messenger lang sya. Magulat ka tlaga kc nakalantad. Dapat mag ingat ng d maging mitya ng buhay nyo yan," paalala naman ni Jonovi Ruazol.
"Fake mga alahas fake din mga pera pero yung damit cgurado ako 50 pesos," biro ni Lorna Paras.
"Sana all nga talaga kaso hindi dapat na binubuyangyang pa yan PDE naman ilagay sa bag anong dahilan at nakalabas yan tapos pag naholdup kawawa cia at lagot ang hold upper ano ba yan," sabi ni Gina Santa Ana Ramos.
"Dapat hindi yayamanin..yayabangin dapat itawag sa kanya..dito ka s tondo mag gagayan malamang ubos yan. Uuwi kang may laslas sa leeg at pingas na tenga," sabi ni Victoria Buenavista Antipona.
"Kong mayaman tlaga yan..magkokotse yan kong ganyan ang suot niya tas ilalabas nia pa yung pera...feeling ko parang nagpapasilaw c ate..maraming maenganyo sa kanya.. Kasi yung mga kakilala kong mayaman simple lang magsuot tas naka kotse pa tas nd magpapahalata na mayaman..sa takot maholdap o makidnap," sabi ni Margs Olaco.
***
Source: Go Davao | Facebook page