Ibinahagi ng isang netizen sa kanyang social media account ang nakakaantig at nakakalungkot na video kasama ang kanyang asawa sa mga huling sandali nito.
Screencap mula sa video ni Jayr Atablanco
Nobyembre 28, 2021, nang pumanaw si Kimberly, tatlong buwan lamang makalipas nitong isilang ang kanilang anak ni Jayr.
Kahit na may sakit na si Kimberly ay kapakanan pa rin ng kanyang asawa at kanilang anak ang iniisip nito.
Screencap mula sa video ni Jayr Atablanco
Screencap mula sa video ni Jayr Atablanco
Sinabi pa ni Kimberly na magiging masaya ang kaarawan ni Jayr dahil kung aabot siya dito, ipaghahanda niya ang kanyang asawa ng lechon.
“Sabi mo na bago ka bumigay at kung aabot ka pa sa January, paghahandaan mo ako ng lechon sa birthday ko. Wow ka talaga. Kahit hirap na, nag-iisip ka pa rin ng special para sa akin.”
“Kahit na kunting oras lang tayong nagsama sa mundo, certainly you’re my soulmate.”
Screencap mula sa video ni Jayr Atablanco
Screencap mula sa video ni Jayr Atablanco
Mahirap man ay piniling magpatuloy ni Jayr para sa anak nila ni Kimberly.
Aniya, “Lets face this world hand in hand.”
Hinihiling ni Jayr na sana raw ay magkaroon ng “visiting hours” ang langit upang makausap at mayakap niya ang kanyang asawa kahit isang beses kada linggo.
“Nahihirapan ako sa nararamdaman ko ngayon, dahil miss na miss kita. I wish that heaven had visiting hours. Kahit once a week lang mayakap at makausap kita,” malungkot na hiling ng biyudong si Jayr.
Screencap mula sa video ni Jayr Atablanco
Sa mga talamak na uri ng leukemia gaya ng AML, ang mga cells ng bone marrow ay hindi lumalaki sa paraang nararapat. Ang mga immature cell na ito, na tinatawag na blasts, ay nabubuo sa katawan ng may sakit.
Walang paraan upang maiwasan ang AML, ngunit maaari mong bawasan ang panganib sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo at paglilimita sa iyong pakikipag-ugnay sa mga kemikal.
Panoorin ang video sa ibaba:
***
Source: Balita