73-anyos na lolo, matiyagang nag-apply at kalauna'y natanggap bilang call center agent! - The Daily Sentry


73-anyos na lolo, matiyagang nag-apply at kalauna'y natanggap bilang call center agent!



Isa ang BPO industry sa mga larangan na hindi tinitingnan ang edad at antas ng edukasyon ng mga naga-apply. Bukod sa magandang sahod ay mahahasa rin dito ang iyong computer at communication skills.

Sa kwentong ibinahagi sa Facebook ni Rodge Tonacao, isang job fair sa Bogo City Cebu ang agaw atensyon sa mga netizens ngayon sa social media.




Ang isang ordinaryong job fair kasi noong nakaraang Sabado ay naging extra special dahil sa 73 taong gulang na aplikanteng si Rotello Escanilla.

Inakala pa nga raw nito na sinasamahan lang ni Lolo Rotello ang kaniyang apo na mag apply at hindi sukat akalain na siya na pala mismo ang aplikante.

Matiyagang sinubaybayan ni Rodge si Lolo Rotello mula sa paghihintay sa napaka habang pila hanggang sa final interview ng nito.

Rodge Tonacao | Facebook

Rodge Tonacao | Facebook


Hindi maipinta ang kagalakan sa mukha ng matanda habang isa isang pinagdadaanan ang mga proseso ng aplikasyon.

Dagdag pa ni Rodge, nais daw ng 73-anyos na aplikante ng pantay na pagtrato at huwag na siyang bigyan ng 'special treatment' dahil isa siyang senior citizen.

Naging paborito noong araw na iyon ang 'groovy lolo' na si Rotello at halos lahat ay hinahangad na matanggap siya sa trabaho.

Rodge Tonacao | Facebook

Rodge Tonacao | Facebook


Hanggang sa nakuha ni Rotello Escanilla ang pinaghirapang posisyon nito. Tagumpay siyang natanggap sa inaapply-an na trabaho.

Hiling naman ng mga netizens sa kumpanyang tumanggap kay lolo na kung posible mailagay siya sa 'day shift' para na rin sa kanyang kalusugan.

Ano't ano pa man, isang itong napakandang balita at tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon. Patunay na age is just a number ika nga.

Rodge Tonacao | Facebook

Rodge Tonacao | Facebook