Vlogger na pinatutsadahan ni Mura naglabas ng saloobin: 'Matutong magpasalamat at 'wag manumbat' - The Daily Sentry


Vlogger na pinatutsadahan ni Mura naglabas ng saloobin: 'Matutong magpasalamat at 'wag manumbat'




Pagiging mahinahon at pag-imbita upang sila'y makapag-usap ang sagot ni Virgelyn ng Virgelyncares 2.0 kay Allan Padua o mas kilala bilang si Mura sa kabila ng tahasang patutsada nito laban sa kanya. 


Matatandaan na marami ang nagalit sa tila walang utang na loob na mga  pahayag ng dating komedyante kay Virgelyn na siyang tumulong sa kanya upang maipagamot ang karamdaman at nagbigay ng cash assistance na aabot P150,000. 


"Natural naman 'yun na magbigay siya. Vlogger siya e. Papaano nga naman lalaki 'yung kanyang viewers, yung kanyang subscribers kung 'di siya pumunta sa amin? 'Di ba, dun siya kumita ng sobra-sobra" 



"Kung natulungan ako ni Virgelyn, mas natulungan ko rin siya. So parehas lang. Tabla na kaming dalawa. Wala na po kaming pakialaman ngayon," ito ang pahayag ni Mura sa kanyang Live video



Agad naman itong nakarating at napanood ni Virgelyn o si Marco Rodriguez sa totoong buhay at dating isang OFW mula Bicol. Halatang nalungkot ang kilalang vlogger sa kanyang napanood at mga narinig mula kay Mura. 


"Kumusta ka Mura? Sana 'yung pagtatanim mo ng mani at kung gaano mo pinausbong yung mga mani mo diyan sa bukirin, ganoon mo rin sana pausbungin ang pagtatanim ng utang na loob," 


"Hindi ko sinasabing pasalamatan mo ako, hindi ko rin hinihingi kanino man na tinutulungan ko. Ang akin lang, kahit sa iba mo nalang gawin 'yun.


"Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa 'yun, nasabi. Siguro dahil live lang. Minsan kasi pag-live kasi tayo, lumilipad kasi yung isip natin,"


"Lagi mong tatandaan kahit maliit man o kaunti ang bunga ng iyong mani, maliit man iyong natanggap na biyaya, matuto parin tayong magpasalamat at wag tayong manunumbat sa mga taong umaangat na,"


Binigyang linaw din ng naturang vlogger na marami ng mga sumusuporta sa kanya at naka-subscribe sa kanyang channel bago paman umano niya tinulungan si Mura.


"Bago kita nai-vlog, marami na akong napa-viral na video. Magmula doon sa anak-araw, kay Alexander, kay Jenny, kay Klara at yung Nanay na gumagapang sa tubuhan na di makalakad iniwan ng asawa. 


"Marami pa, yung bata na nangunguha ng kahoy,walang kamay walang paa, andami kung napaviral, yung may bukol sa ulo. Marami na akong napa-viral. Kung titingnan mo milyon-milyon react yun" 


"Bawas-bawasan natin Mura 'yung medyo pagmamataas. Ni minsan, hindi ako nanumbat ng mga tinulungan kong tao. Hindi ko lang matanggap yung sinabi mong quits tayo. Ni minsan hindi kita sinumbatan" 



Pag-anyaya niya sa komedyante na mag-didate sila pagnagkita ulit at kung nao man ang pwede pa niyang iabot na tulog para dito. 


"Sana pagpunta ko diyan magkita tayo, mag-date tayo. Basta ang natatandaan ko, wala akong ginawang masama sayo, walang akong pinakitang hindi kaaya-aya sa iyong pamilya. Kung ano ang pagmamahal ko sa'yo yun din ang turing ko sa pamilya mo,"


"Pagpunta ko diyan at kung ano pa pwede kung maiabot ko sayo, maabutan kita," 


Binigyang payo niya si Mura na 'wag kalimutan magpasalamat sa lahat ng bagay at mga biyaya natanggap, maliit man o malaki.


"Mag-ingat ka palagi, lagi mong tatandaan magpasalamat sa kahit na kaunti, katiting man yan ipagpasalamat mo. Kahit hindi mo ipagpapasalamat sakin at sa taong tumulong sayo. Magpasalamat tayo sa Diyos dahil lahat ng binigay ko sayo yun ay binigay niya,"





Maalalang pinakaunang tinulungan ni si Virgelyn si Mura para makapag-pacheck-up ito. Siya ang gumawa ng paraan at lumapit at hanapin ang kinaroroonan ni Mura. Ang naturang vlogger din ang naging daan upang makapag-abot ng tulong ang ibang kasamahan nito sa dati nitong trabaho sa showbiz industry. 


***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!