Tricycle Driver, hinangaan ng lahat dahil sa ginawa niya sa Babae upang hindi ito masilipan - The Daily Sentry


Tricycle Driver, hinangaan ng lahat dahil sa ginawa niya sa Babae upang hindi ito masilipan



Larawan mula kay Jiza Queen


Umani ng mga papuri at pagsasaludo mula sa mga netizens ang naging tugon ng isang Tricycle driver mula Dagupan City, Pangasinan na siyang tampok sa post ni Jiza Queen Miranda Espalarga sa kanyang social media account dahil sa ipinakita niyang kagandahang loob at concern nito para sa kanyang pasaherong babae.


Naging mainit parin na usapin ngayon ang isyu tungkol sa kung sino ang tama, at kung meron mang wastong pananamit na siyang pinagpipilitan ng iilan para sa mga kababaihan upang maiwasan ang mga pambabastos laban sa kanila. 


Habang nasa loob sakay ng tricycle si Jiza, napapansin na ni Manong driver ang mga maiinit na mga mata na halatang tumitingin sa nakalabas na hita ng kanyang pasahero.


Larawan mula kay Jiza Queen


Larawan mula kay Jiza Queen


Nakasuot na maiksing dress si Jiza na siyang naging concern ng driver dahil umano sa kapansin pansin na pinagtitinginan na ito ng mga taong dumadaan. 


Kaya hinubad umano ng driver ang suot nitong jacket upang maipahiram at pinasuyuan siyang gawin itong pangtabon sa kanyang hita. 


"Ading 'wag ka sanang maooffend, pwede bang hiramin mo muna tong jacket ko at itakip mo jan sa hita mo, kasi pinagtitinginan ka po ng mga dumadaan😊," 


Larawan mula kay Jiza Queen


Larawan mula kay Jiza Queen


Lubos ang pasasalamat ni Jiza sa kabutihan ng loob ng Tricycle driver na kanyang nasakyan. 


"Hala thankyou po kuyaaa♥️. I SALUTE YOU KUYA😊♥️" 


Marami parin sa mga kababayan natin lalo na ng mga kalalakihan na nangingibabaw parin ang kanilang respeto at ang pagiging maginoo sa mga kababaihan kahit ano pang klase o porma ang maging kasuotan nito.





Larawan mula kay Jiza Queen


Larawan mula kay Jiza Queen


Tunay man ang isyung ito ay hindi matapos-tapos dahil bawat isa ay may mga sari-sariling pananaw, opinyon at paninindigan. Ngunit gayunpaman ang bawat isa ay may tungkuling dapat gampanan, ang pagbibigay ng RESPETO sa lahat. 


***

Source:  Jiza Queen Miranda Espalarga

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!