Estudyante naghimutok sa inis matapos ibagsak ng guro: "Sayang lang effort ko sayo ma'am" - The Daily Sentry


Estudyante naghimutok sa inis matapos ibagsak ng guro: "Sayang lang effort ko sayo ma'am"



Ang pagiging teacher ay totoong hindi madaling trabaho. Bukod kasi sa mga paperworks na kailangan nilang gawin ay pati ugali ng kanilang mga estudyante ay nagiging problema rin nila.
Photo credit: Getty Images

Mayroong mga teacher na walang pakialam kung matuto man o hindi ang kanilang mga estudyante. Sila yung tipong ipapasa ka kahit wala kang natutunan sa loob ng isang taon.

Mayroon din namang mga klase ng teacher na hinding hindi ka papasa kung wala ka man lang natutunan at lahat ng mga assignments o projects mo ay hindi mo naipapasa.

Tulad na lamang ng isang estudyanteng tila binastos ang kanyang teacher matapos siyang ibagsak nito.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Sa Facebook post ng guro na ngayon ay burado na, in-upload nito ang ilang screenshots ng mensahe sa kanya ng kanyang estudyante.

Ayon sa post ng guro, isang taon na umano ang kanyang ibinigay na palugit sa estudyante upang makumpleto ang mga “incomplete” (INC) nito.

Hindi rin daw nagkulang ang teacher sa pagpapaalala na kumpletuhin ang mga INC nito ngunit sa huli ay siya pa rin ang sinisisi.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Sa ngayon ay umabot na sa 11k reactions, 1.7k comments at 9.8k shares ang post ng teacher.

Narito ang buong post ng guro:

“Nagbigay kana ng almost 1 month to prepare for the final exam, 2 weeks to complete their requirements, and a year to fix their INC plus hindi ka nag kulang sa pagpapaalala ng deadlines at pagbibigay ng extension para lahat makapag pasa but at the end of the day, KASALANAN PARIN NI TEACHER KAPAG HINDI NAKAPAGPASA. Ilang sem na po akong wala sa ISU at ngayon mo lang nalaman na INC ka pala. Now tell me, LATE MO NALAMAN BECAUSE?? 

I didn't fail you, you failed to do your part as a student 

(Sorry about this post but this student is really something)”

Ayon sa estudyante, hindi raw niya alam na may INC siya. 

Wala kayong awa sa mga studyante nyo haha boring sayang lang effort ko sayo ma’am haha di nalang sana kita naging subject teacher,” sabi ng estudyante.

Dagdag pa nito, hindi raw bagay na maging public school teacher ang nasabing guro.

Di kayo bagay mag turo sa public ma’am kasi pang private ka lang haha. Masyadong mataas IQ mo wala kang awa sa mga studyante mo,” dagdag nito.

Hati naman ang opinyon ng mga netizens sa nangyari sa pagitan ng teacher at kanyang estudyante.

"Dapat nagusap nalang kau ng estudyante mo maam. Baka may prob na iba ang estudyante mo sa bahay kaya laging nalelate, mam mahirap po mag adjust sa loob ng bahay kung nagaaral sa loob ng bahay. Iniimagine kolang din po kase yung kapatid, ang nakakarelate sa post nio tungkol sa late, pero hindi sa attitude ng estudyante nio po,. kausapin niyo nalang po ang estudyante nio po. nagpost po ba ang estudyante nio tungkol sa inyo, na may sama siya ng loob or kau po unang nagpost para sa bastos niong estudyante," komento ni Tine Rempillo.

"Hindi ko maatim sa sarili ko gumanito, lalo na't alam ko sa sarili ko na mas may kulang ako, where did he get his guts to talk like that, I am not speaking as a perfect person here, we all have our own errors but this kind of error should be called out, and in addition if your teacher criticized you, it is not about belittling you or disregarding your effort, it is one of their jobs, to make things right, and to make students learn. Always be considerate, not only students have task and emotion, teachers too," sabi ni Jam Vincent Jaspe Guevarra.

"Deserve din niya matanggal sa school. Sana bigyan ng aksyon in that way baka mas matutuo na siya," sabi naman ni Gerome Rimando Swing.


***