Hindi sukat akalain ng isang online seller at single mom na si Vannerie Picar na aabot ang kanyang kita ng higit sa PHP3 million ng dahil sa pagtitinda ng mga skin care products.
Nag-resign noong 2018 sa pagtuturo si Vannerie dahil sa maselan niya na pagbubuntis at muntik pang malagay sa panganib ang buhay ng kanyang dinadalang sanggol.
Dagdag pa sa masalimuot na pinagdaanan ni Vannerie ang nalaman niya na may ibang babae ang ama ng kaniyang dinadala.
Dahil dito, kinailangan niyang magsumikap at umahon sa pagkalugmok ng mag-isa para masuportahan ang anak at iangat ang imahe ng mga kagaya niyang single mom.
Nagtrabaho bilang call center agent si Vannerie ngunit hindi naging sapat ang sahod nito para sa lahat ng gastusin nilang mag-ina.
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Dito na niya naisipang pasukin ang pag nenegosyo at gamitin ang huling P3,500 na natitira sa kanilang pera.
“Nagsimula akong maghanap ng supplier, kaso meron silang minimum requirement na halagang 7,500.”
“After one to two days ay nakahanap naman ako. Pumayag siya na kahit 3,500 lang ay magsimula na ako.”
Tulad ng marami, hindi naging madali sa umpisa ang pinasok na negosyo ni Vannerie.
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Ilang beses din itong dumating sa punto na gusto na niyang sumuko at itigil ang pagbebenta ng mga gamit pampaganda online. Hanggang sa isang araw ay may naisip itong magandang ideya.
Minabuti ni Vannerie na gamitin niya mismo, ang mga paninda at ipakita ang magandang resulta nito sa kaniyang kutis at mula noon ay nagsimula ng tangkilikin ng maraming customers ang kanyang mga tindang beauty products.
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Umabot ang kabuuang benta ng madiskarteng single mom ng mahigit 3 milyong piso na talaga namang nagsilbing inspirasyon ng maraming netizens.
"Hindi ko inaakala na mararating ko yung PHP3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako."
“Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak."
KMJS | Facebook
KMJS | Facebook
Source: KMJS | Facebook