Humakot ng atensyon sa social media ang post ng isang anak tungkol sa kanyang Ama na agad tinanggihang umutang ng isang motorsiklo sa isang sikat na Motor Company dahil lamang sa kanyang pisikal na anyo.
Hindi maitago ni Jialyn Mapula ang kanyang labis na pagkaawa sa kanyang Ama, na hinusgahan agad ng nasabing kompanya dahil lamang umano sa di kaaya-ayang pananamit at tindig nito.
Ayun sa post ni Jialyn, sinamahan niya ang kanyang Tatay sa opisina ng isang branch ng Yamaha Motor dealer sa kanilang lugar sa Bukidnon dahil paniwala daw ng kanyang Ama ay maganda at matibay umano ang mga binebenta dito, ngunit di paman nila lubos makilala ang sana'y magiging kliyente nila ay nahusgahan na agad ito na hindi makakakapagbayad ng uutanging motor.
"Hindi pinautang si Papa ng motor dahil pumunta siya doon na maalikabok ang suot na damit, madudumi ang mga paa, madumi ang suot ng tsinelas, madumi ang kanyang mga kamay, maalikabok ang kanyang buhok,"
May sariling furniture shop ang Ama ni Jialyn, kung saan siya na rin mismo ang gumagawa sa mga trabahong tinatanggap mula sa kanilang mga kliyente dahilan kung ganoon nalang ang naging pisikal na anyo nito noong umutang sila ng gusto nitong motor. Ito rin ang naging source ng kanilang Ama upang mapag-aral sila.
Masakit bilang anak ang masaksihan at marining kung paano minamaliit ang kakayahan ng iyong Ama para sa isang bagay na matagal niya ng pinaplanong kunin.
"Meron ka bang maipambabayad Tay? Saan mo naman kukunin ang pambayad?" pag-uusisa umano ng isang motor dealer ng branch.
Napayuko nalang umano ang Tatay niya sa hiya at pinili nalang nilang lumipat sa ibang Motor dealer, sa pag-aasam na baka doon ay mapagbigyan at maaprove sila.
Basahin ang buong post ni Jialyn:
Walang kwenta yang pinag-aralan mo kung mababa tingin mo sa iba Sir!!
Gaano ka Judgemental ang Society??
Hindi pinautang si Papa ng motor dahil pumunta siya doon na maalikabok ang suot na damit, madudumi ang mga paa, madumi ang suot ng tsinelas, madumi ang kanyang mga kamay, maalikabok ang kanyang buhok dahil sa klase ng kanyang trabaho na kung minsan ay hindi siya nababayrana ng tama. Tinatawaran pa buti sana kung madali lang magbubuhat-buhat ng mga kahoy at mga pinto.
PAPA: Magandang umaga Sir, gusto ko sanang kumuha sa inyong pautang na motor.
DEALER: Fill-up mo lang to. (While tiningnan si Papa from Head to Foot).
PAPA: (Tapos ng mag Fill-up)
DEALER: Ano pala trabaho mo Tay?
PAPA: Nagkakarpintero lang Sir. Meron din akong maliit na Furniture shop.
DEALER: Sige magpapa C.I (credit investigation) nalang kami sa inyo.
Ilang linggo rin ang lumipas kakaantay ni Papa sa kanyang pangarap na motor na Yamaha dahil nga raw ito'y matibay at matagal masira. Plano niya sanang lagyan ng side car. Kaya napagdesisyunan niyang bumalik sa opisina.
PAPA: Magandang tanghali Sir, follow-up ko lang sana yung pinasa kung application na pautang, wala pa kasing pumupuntang C.I.
DEALER: Meron ka bang maipambabayad Tay? Saan mo naman kukunin ang pambayad?
PAPA: (Nakayuko dahil nahiya)
PAPA: Tara na Jai. Baka doon sa ibang Motor dealer, papautangin tayo. (Naiiyak).
Tbh, sobrang sakit makita ang iyong Ama na mangiyak-ngiyak dahil hindi na-aaprove ang kanyang application para makautang. Sarap sanang sagutin pero may respeto ako. Yes Po! Uutang kami dahil mahirap lang naman kami, pero wala kaming utang na tinakbuhan at wala rin kaming pinagtataguang utang.
To make it short. Walang dumating na C.I sa bahay dahil base sa kanila sa itsura ni Papa hindi niya kayang magbayad ng buwanang obligasyon. God knows how humble my father was kasi kahit pa pagbihisin namin si Papa ng mga pang-alis niya, mas pipiliin niya talagang umalis na nakapambahay lang kahit pa papuntang City. Bahala na kung madumi man ang mga damit niya basta kami napag-aaral niya. In short, mas inuuna niya kaming mga anak niya kaysa sa kanyang sarili.
PS: Hindi ko na babanggitin ang branch baka mapahiya sila. God Bless nalang Sir!
Edited: THIS POST IS NOT INTENDED TO GAIN ATTENTION AND SYMPATHY, ITS ABOUT AWARENESS THAT WE ALL DESERVE TO BE TREATED EQUALLY (NAKAFORMAL MAN OR WALA). TO ALL PROFESSIONAL OUT THERE, NEVER LOOK DOWN SOMEONE JUST BECAUSE OF THEIR PHYSICAL APPEARANCE.
Edited: Malapit lang ang branch sa amin, kaya hindi na inisip pa ni Papa magbihis dahil pagdating niya ng bahay, deretso din siya balik sa trabaho.
Hindi rin namin pinabayaan si Papa, choice niya na ganyan yung mga suot niya at kung pilitin man namin siyang magbihis makakaramdam lang yan na baka kinahihiya namin siya and we don't wan him to felt that way so only we can do is to support and be proud of him.
***
Source: Jialyn Mapula
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!