Selfie ng isang estudyante na binenta online, umabot sa $1M dolyar ang kabuuang halaga! - The Daily Sentry


Selfie ng isang estudyante na binenta online, umabot sa $1M dolyar ang kabuuang halaga!



Isang estudyante mula Indonesia ang sikat na sikat ngayon matapos maibenta ang kaniyang mga larawan o "selfie" sa nakakalulang halaga na isang milyong dolyar.

Si Sultan Gustaf Al Ghozali, isang Computer Science student ay halos araw araw umano kung kuhanan ang kaniyang sarili o kumuha ng "selfie" na nakaupo sa harap ng kanyang computer sa loob ng halos limang taon.




Ang tanging nais niya lang sana ay ipunin ang mga ito para gumawa ng isang timelapse bidyo at gamitin sa araw ng kanyang pagtatapos.

Ngunit matapos malaman ang tungkol sa isang teknolohiyang tinatawag na blockchain kung saan maaaring makipagkalakaran gamit ang NFT trading platform, nagdesisyon ang 22 taong gulang na si Ghozali na i-upload ang kaniyang mga larawan at pangalanan itong "Ghozali Everyday" 

nft.news | Facebook

nft.news | Facebook


Naisip nito na baka sakaling may isang kolektor na matuwa at maisipang kolektahin ang mga larawan niya.

"I was thinking it might be funny if one of the collectors collected my face," Sabi ni Ghozali sa isang panayam sa kanilang unibersidad.

Dagdag pa nito. "I never thought anybody would want to buy the selfies, which is why I only priced them at US$3,"

nft.news | Facebook

nft.news | Facebook


Ngunit isang Biyernes, umabot sa halagang US$806 dolyares ang isang selfie picture ni Ghozali o katumbas ng halagang higit sa 41,000 libong piso.

Ito ay matapos baguhin ng nasabing NFT trading platform ang mga larawan ni Ghozali upang hindi ito magaya at mapanatiling nag iisa lang ang mga kopya nito.

Isang celebrity chef ang isa sa mga unang nakabili ng selfie ni Ghozali.

nft.news | Facebook

nft.news | Facebook


Ito narin ang naging daan upang lubos na makilala ang mga larawan ng estudyante matapos ibahagi ng sikat na chef sa kanyang social media account ang tungkol sa mga ito.

At sa mga sumunod na araw ay mahigit 400 na katao na ang bumili ng mga "expressionless selfie" nito, na umabot na ang kabuang halaga sa mahigit US$1 milyong dolyar.

wearepinoy.info

wearepinoy.info


"Today (I) sold more than 230+ (selfies) and until now I don't understand why you want to buy #NFT photos of me !!! but i thank you guys for 5 years of effort paid off," Sabi ni Ghozali sa kanyang social media account.

Pangarap ni Ghozali na magkaroon ng sarili niyang animation studio balang araw. Plano naman niyang gamitin ang kinitang halaga upang mag-invest at ipagpatuloy pa ang pagkuha ng "selfie" hanggang sa makatapos siya ng pag aaral.

wearepinoy.info

wearepinoy.info