Sanggol na kape lang ang iniinom dahil P50 pesos lang ang kita ng mga magulang kada araw, sinaklolohan. - The Daily Sentry


Sanggol na kape lang ang iniinom dahil P50 pesos lang ang kita ng mga magulang kada araw, sinaklolohan.



Napaka importante na maibigay ang sapat na nutrisyong kina kailangan ng isang sanggol para sila ay lumaking malakas at upang hindi basta bastang dapuan ng sakit.

Gatas ang pangunahing pinagkukunan nila ng lahat ng ito dahil sa mga unang bahagi ng kanilang pamumuhay mula ng sila'y isinilang ay ito pa lang ang kayang tanggapin ng kanilang murang katawan.




Kaya naman marami ang nabahala at mag alala ng mabalitaan ang anim na buwang sanggol na sa hirap ng kanilang sitwasyon sa buhay ay kape lang ang ipinaiinom ng mga magulang nito dito.

Sa dami ng mga tao na nakakaranas ng kahirapan kasabay ng mga nagtataasang bilihin, maraming mga tao ang walang sapat ng kakayahan upang mabili ang kanilang pangunahing mga pangangailangan.

nationspress.net

nationspress.net


Bagamat may trabaho ang mga magulang ng sanggol na sina Safiruddin at Anita ay kulang na kulang ito dahil katumbas lang ng P50-70 pesos ang kanilang arawang sweldo na 20,000 Indonesian Rupees.

Lubhang nakakalungkot ang kalagayan ng pamilyang ito sa bansang Indonesia.

Ayon sa balita ay Indonesian style coffee beans ang iniinom ng sanggol, kung saan kailangan masigurado ng mapakuluan itong maigi bago haluan ng asukal para makuha ang tamang timpla.

nationspress.net

nationspress.net


Wala mang nakikitang kakaiba sa paglaki o mali sa kalusugan ng bata ay marami pa rin ang nababahala sa pag inom nito ng pang matandang inumin.

Kada araw ay nakakaubos daw ito ng limang (5) baso ng kape o katumbas ng 1.5 litro nito. Kaya naman minabuti ng Health Agency ng lugar na personal na bisitahin ang pamilya at mag abot ng tulong para sa pamilya at gatas na rin para sa bata.

nationspress.net

nationspress.net