Ikinuwento ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang vlog ang hindi magandang naranasan niya sa isang store na Louis Vuitton sa New York City.
Regine Velasquez / Photo from Preview
Ibinahagi ni Regine kung papaano niya nabili ang isang Louis Vuitton high heels. Ayon kay Regine, ang sapatos na nabili niya ay kasama sa luxury brand ng runaway collection.
“I went to New York to find [these] particular shoes… And then when I got there, nakita ko na, nandun sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin wala akong size… Sinabi talaga,” Velasquez said.
“Sabi ko, ‘Can I at least try them on?’ Sabi niya, sabi ng guy, ‘Uh, no.’ Sabi talaga, ganun. Na-discriminate agad ang lola niyo, so na-depress ako ng very very light.”
Regine Velasquez / Photo from her Youtube account
Regine Velasquez / Photo from ABS-CBN
Patuloy ng Asia's Songbird, “I went to Neiman Marcus. Katapat lang ni Louis Vuitton si Neiman Marcus. Si Neiman Marcus, maraming branded shoes."
"Nagwala ako doon, ang ending ko, ang iniuwi ko ay twenty pairs of shoes kasi na-depress ako! “Kasi may nakilala akong black guy...Again, I was being discriminated. No one was making me pansin."
Regine Velasquez / Photo from Youtube
"Yung lahat sila, nagsusukat. Walang pumapansin sa akin. Until this guy came to me and then he said, ‘Do you need help?’Parang maiiyak ako, ‘Yes, I need help.’ So, lahat ng itinuro ko, binili ko talaga, so ang happy niya.
"Super happy siya samantalang yung ibang buwisit na nandoon, nagtitinginan sila, kasi yung mga ibang nagsusukat doon, walang binili, ‘te.”
Matapos bumili ng 20 pares ng sapatos sa Neiman Marcus, naging Vivian Ward si Regine dahil bumalik siya sa Louis Vuitton store para sa sapatos na gustung-gusto niya.
Regine Velasquez / Photo credit to the owner
Regine Velasquez / Photo credit to the owner
“Anyway, pagkatapos kong bilhin yung twenty pairs, pumunta uli ako sa Louis Vuitton. Nung marami na akong bitbit, pinapasok ako sa loob ng Louis Vuitton at nabili ko siya."
“‘Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito," sabi ni Regine habang hawak-hawak ang sapatos na tinutukoy niya."
Patuloy niya, "But, you know, it’s okay, kasi I don’t think you should feel bad kapag nadi-discriminate ka. You go back and, like, kick some ass!”
***
Source: PEP