Reaksyon ng isang Anak sa Amang kumita lang ng P400 panghanda, nagpaiyak at kumurot sa puso ng mga netizen - The Daily Sentry


Reaksyon ng isang Anak sa Amang kumita lang ng P400 panghanda, nagpaiyak at kumurot sa puso ng mga netizen





Hindi man lahat nabiyayaan ng magandang buhay, pero karamihan kumikilos, naghahanapbuhay at lumalaban sa hamon ng tadhana para sa Pamilya. 


Karapat dapat na ibigay lahat ng pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng mga magulang, silang handang kayang gawin ang anumang diskarte at trabaho para sa mga pang araw-araw na pangangailangan at pangkain ng kanilang mga Anak. 


Kahit pa sa katiting na kita nila ay pilit na pinagkakasya ang kung magkano ang naiuuwing kita sa buong maghapong pagbabanat ng buto sa trabaho, mapangiti lang ang mga ito sa kahit mumunting pasalubbong. 


Isang tagpo sa loob ng isang pamapasaherong sasakyan ang siyang nagbigay ng maraming realisasyon at nagpabago ng pananaw ng buhay ng isang netizen at ng mga nakakabasa ng kanyang naging post sa social media. 


Kausap ng isang Amang pasahero ng jeep ang kanyang mga Anak na sabik siyang hinihintay sa kanyang pag-uwi galing ng trabaho. May halong lungkot na pinaalam sa mga anak na maliit lang kinita niya trabaho. 


"Kuya: "Oo 400 lang kinita ko ngayon yung 200 binili ko ng doughnut nyong magkapatid papasko ko na sa inyo”


"Anak:  “Okay lang yun Pa Uwi kana tapos pahinga, Kahit wala tayo handa bukas basta makauwi ka okay na yon “ 


Maliit man na halaga lang ang kinikita ng ibang mga magulang at ng kahit ng iba pang mga naghahanapbuhay sa pamilya, busog at bawing-bawi naman sa nag-uumapaw na pagmamahal, respeto at saya na hatid ng mga taong nakasuporta at nagpapahalaga sa kanila.


Narito ang buong post:

 

I dont usually post sa Social Media ng mga ganito kasi super emotional ako na tao.But ikaw KUYA you deserve it 👏🏻👏🏻 2


Yung malungkot kana kasi sa Work ka magpapasko tapos ganito pa maririnig ko . Kudos kay tatay na naka green grabe ka pinaiyak moko bongga 😭😭 Diko mapigilan yung luha ko lahat ng nakasakay napatingin sakin bakit ako umiiyak.😭


Convo:

Anak : “Pa  asan kana wala si mama hinintay ka kanina pa” 

Kuya:” Pauwi na ako nak “

Anak: “ Pa me pasalubong kang dala “ 

Kuya: “ Oo 400 lang kinita ko ngayon yung 200 binili ko ng doughnut nyong magkapatid papasko ko na sa inyo”

Anak:  “Okay lang yun Pa Uwi kana tapos pahinga, Kahit wala tayo handa bukas basta makauwi ka okay na yon “ 


Alam mo yon sa maliit na halaga na kinita nya sa isang araw binili nya pa yung magpapasaya sa mga anak nya . Kahit pagod sya sa trabaho nya he still able to manage na makauwi kahit 200 nalang natitirang pera sa kanya.


Lesson: Tayo kumikita ng libo libo pero di pa tayo contented sa mga bagay bagay we still ask for more, mabuti pa sila even sa maliit na halaga there  able to appreciate it 👏🏻👏🏻Dami ko nareliaze sayo Kuya 😭 .Merry Christmas sa Inyo Kuya sayang diko na natanong name nyo bumaba kana Market eh magaabot sana ako kahit konting cash na papasko 😇 But thank you dami ko nareliaze ngayong araw na to. 


***

Source: Even Demata

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!