Pulubing ama na nagbebenta ng ballpen noon, ibang-iba na ang buhay ngayon - The Daily Sentry


Pulubing ama na nagbebenta ng ballpen noon, ibang-iba na ang buhay ngayon



Tayong mga magulang ay handang gawin ang anuman para lamang sa kapakanan ng ating mga anak. Ano mang pagsasakripisyo at pagtitiis ay ating kakayanin alang-alang sa kanilang kinabukasan.
Larawan mula howtocare

Minsan dahil sa hirap ng sitwasyon, kailangan nating maghanap-buhay kasama ang ating anak dahil wala tayong mapag-iiwanan upang mag-alaga sa kanila.

Mahirap at delikado man ay wala tayong magagawa dahil kailangan natin itong gawin.

Ito ang pinatunayan ng isang pulubing amang syrian refugee na karga-karga ang kanyang anak habang nagbebenta ng ballpen sa gilid ng kalsada.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Sa bansang Lebanon, marami ang nahabag sa mga larawang kumalat sa mga internet sites kung saan makikita si Abdul Halim al-Attar na nagbebenta ng ballpen habang umiiyak na tila nagmamakaawa na bilhin ang kanyang mga paninda.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mga larawang kumalat ang naging daan upang matupad ang mga pangarap ni Al-Attar.

Ayon sa website na howtocare.net, nang mag-viral ang mga larawan ni Al-Attar ay may nag magandang loob na tulungan siya. Ang IndieGogo na isang crowdfunding site ay binigyan siya ng $191,000 o humigit kumulang na 10 million pesos.
Larawan mula howtocare

Photo credit to the owner

Samantala, naging $168,000 na lamang ang kanyang natanggap dahil sa mga processing fees at bank fees. Ngunit para kay Al-Attar ay napakalaking tulong parin ito sa kanya at sa kanyang anak.

Sa wakas ay natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan at negosyong panaderya.
Larawan mula howtocare

Photo credit to the owner

Naging maayos ang kanyang negosyo at talaga namang mas pinalago pa niya ito.

Sinabing siya din ay nag-hire ng mga kapwa niyang 16 na Syrian Refugees upang tumulong sa kanyang negosyo na panaderya. 

Dahil sa kanyang kabutihang loob ay naging matagumpay at maganda ang kinita ng kanyang panaderya dahil sa pagbebenta ng masasarap na tinapay at shawarma.
Larawan mula howtocare

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nagawa din niyang bigyan ng bahay ang kanyang pamilya at pinagtuunan niya din ng pansin ang pag-aaral ng kanyang anak na halos tatlong taon ng nahinto.

Ang pagsusumikap, kababaang loob at pagtityaga ang naging daan ni Al-Attar upang siya ay umasenso at makamit ang pinapangarap na buhay. Lubos-lubos ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya.


***
Source: Howtocare