Hindi naman masama ang magkaroon ng simpleng pangarap lalo na't kung ito naman ay para sa iyong kasiyahan at ikatataas ng iyong kumpiyansa.
Gaya na lang ng ibang kababaihan na kaligayahan ng maituturing ang pagkakaroon ng maganda at kaaya ayang mukha.
Pero iba ang naging istorya ng isang netizen na sinubukang magpadagdag ng kanyang pilikmata.
Sa Facebook post ng ibinahagi ni AC Bundalian. Isa umanong may-ari ng isang beauty salon sa Angeles City na nagkaroon ng kliyenteng inirereklamo ang ipinakabit na eyelash extension.
Ayon sa kaniya, sobrang tigas na nito at tila nasobrahan sa ginamit na pandikit kaya magang maga na ang mata ng kaniyang kliyente.
"Sobrang tigas, over sa glue. Medyo namamaga na eyes ni maam"
AC Bundalian | Facebook
AC Bundalian | Facebook
Nagababala rin ito sa mga netizens na nagnanais magpadagdag ng pilikmata na huwag basta basta magtiwala sa mga nag aalok na magkakabit ng eyelashes extension lalo na kung wala itong sapat na kaalaman na maglagay at magtanggal ng mga ito.
"Reminder!! Wag na wag po kayong magpapalashes kung yung lash tech nyo walang tamang kaalaman sa paglalagay at pag reremove."
AC Bundalian | Facebook
Panawagan naman nito na sana'y maging responsable naman ang mga nasa larangan ng ganitong negosyo at huwag basta basta kita lang ang habol sa mga customer.
"Maawa naman po kayo, hindi yung babarubalin nyo yung gawa basta kumita lang kayo. Walang natirang lashes kay maam sa left eye nya."
Kapansin pansin din ang komento ng isang netizen na lubos ang pasasalamat kay AC na kung hindi raw dahil sa kanya ay malamang iyak pa rin siya ng iyak sa sakit hanggang ngayon.
AC Bundalian | Facebook
AC Bundalian | Facebook
Source: AC Bundalian | Facebook