Mabilis na nag-viral ang nangyaring pagpapakulong sa 84-anyos na lolo mula sa Asingan, Pangasinan dahil umano sa pagnanakaw ng 10 kilo ng mangga.
Photo credit to the owner
Naantig at nadurog ang puso ng maraming netizens sa sinapit ng kaawa-awang lolo na si Nardo Floro matapos itong makulong dahil lamang sa pamimitas ng mangga.
Sa ulat ng News5, nakausap nila si lolo at naabutan pa sa loob ng presinto. Isang linggo na pala itong naka-detained.
Kwento ni lolo Nardo, may lumapit raw sa kanyang mga namamakyaw at nakisuyong magpapitas ng mangga.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Agad namang pumayag ang lolo sa halagang isang libong piso para sa sampung kilong mangga.
Hirap kasi sa buhay si lolo. Wala siyang asawa at mga anak. Nakikitira lamang siya sa bahay ng kanyang kapatid at mga pamangkin.
Ang gusto lamang niya ay kumita ng kaunti upang makatulong at may ipambili ng pagkain.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Dahil lang sa mangga, napakaliit na bagay idinemanda na nila yung tao. Kinausap ko, ayaw naman makipag-ayos,” sabi ni lolo.
“Noong nagbakod sila, nasakop nila,” dagdag niya.
Nang makausap naman ng News5 ang pamilya ng nagkaso kay lolo Nardo, iba ang kanilang kwento. Giit nila, sila ang nagtanim sa puno ng mangga.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon kay Rovelyn Sison, kuya raw niya ang mismong nagtanim sa puno.
“Kung sinasabi po ni tatay na sa kanya po yun, paano po magiging sa kanya eh may alad (bakod) na po siya bago pa merong mangga,” sabi ni Rovelyn.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Handa naman raw silang iatras ang kaso, pero sana man lang ay humingi ng pasensiya si lolo Nardo.
“Sino naman po kami para hindi maawa kay tatay.”
Panoorin ang video ng News5 sa ibaba: Magsisimula ang balita sa oras na 53:40
Samantala, nakalabas na ng kulungan si lolo Nardo matapos umanong mag-ambagan ang mga pulis sa Asingan upang mabayaran ang piyansa ng 84-anyos na lolo.
***
Source: News5