Padyak driver, ibinahagi ang pagkaing bigay sa kanya sa matandang nanlilimos ng makakain - The Daily Sentry


Padyak driver, ibinahagi ang pagkaing bigay sa kanya sa matandang nanlilimos ng makakain




Bumihag sa damdamin at emosyon ng mga nakakabasa sa ginawang post ni Anarose Alverio tungkol sa hindi mapantayang pagmamahal at kabutihan ng isang Ama para sa kanyang pamilya at mga anak. 


Kinamulatan na ni Anarose ang pagpapadyak ng kanyang tiyuhin na si Danilo Alverio bilang kanyang hanapbuhay. Laman siya ng kalsada araw-araw hindi alintana ang kahit malakas na ulan o ang katirikan ng araw kumita lang ng pangkain sa mga anak. 


"HE IS BRAVE, HE IS SO STRONG, HE IS SO HARDWORKING kahit pa nilalagnat yan, nadidisgrasya, may pilay, may mga galos ang katawan bumabyahe parin para may maipambili ng bigas, ulam at tinapay para sa kanyang mga anak,"


Kilalang-kilala nila si Mang Danny na sobrang mapagpaubaya, di bale ng wala at magutom siya basta masisigurado niyang merong kinakain ang kanyang pamilya. 



Kwento ni Anarose, nang makita nila si Mang Danny habang nag-aantay ng kanyang masasakay na pasahero ay mas pinili nila itong ayaing kumain kaysa bigyan ng pera dahil alam nilang hindi niya uunahin ang sarili niya kahit pa gutom at gusto nitong kumain lahat ibibigay nito sa kanyang pamilya. 


Pagkatapos nilang kumain, binilhan nila ito ng pagkain niya para hindi na siya gagastos ng kanyang pananghalian saka siya bumalik ulit sa kanyang pwesto. 


Dito na hindi mapigilan ni Anarose maluha sa kanyang nasaksihang kabutihan ng tiyuhin maging sa ibang tao na tulad niya'y naghihirap din. 


"May lumapit sa kanyang matanda. Hindi ko inasahan na naluluha din sa aking nasaksihan. Pinunit ni Tiyo ang plastic na pinaglagyan ng ulam at binuksan ang kanin. Sobrang ang pagkamangha ko nung pinakuha niya ang matanda ng kanyang dala-dalang pagkain,"


"Naiiyak ako habang pinapanood ang kanyang ginawa. I was just smiling habang pinipigilan ko ang aking mga luha. Kahit pa man sa sobrang hirap ng kanilang pamumuhay, at kahit pa kailangan din niya ng pagkain pero hindi niya ipinagdamot ang biyayang natanggap niya,"




Basahin ang kabuuang post ni Anarose:


That guy na nakaupo sa padyak is my Uncle. Simula bata pa lang ako, kinamulatan ko na ang ganyang trabaho niya para buhayin ang kanyang pamilya. 


HE IS BRAVE, HE IS SO STRONG, HE IS SO HARDWORKING kahit pa nilalagnat yan, nadidisgrasya, may pilay, may mga galos ang katawan bumabyahe parin para may maipambili ng bigas, ulam at tinapay para sa kanyang mga anak.


Last Saturday Jan 8. Umuwi ako ng Barili at pumunta kami ni Mama sa Bayan kung saan bumabyahe si Tiyo Danny ng kanyang padyak. Habang kumakain kami, tinawag namin si Tiyo Danny para mapakain din dahil kung pera ang ibibigay sa kanya, ibibili lang niya ito ng pasalubong para sa kanyang mga anak at hindi niya na ibibili ng pagkain ang sarili. 




Alam namin kasi ganyan siya ka selfless na tao. Bahala na siya ang magugutom basta may maibibigay lang sa mga anak niya. 


Going back on that day kung saan kumain kami. Pagkatapos namin kumain kasama si Tiyo. Binilhan ko rin siya para sa kanyang pananghalian dahil alam ko hindi na naman yan bibili ng pagkain niya. 


Nahihiya pa siya kumuha kahit mumurahin lang naman dahil natatakot siya na baka mapagastos sila ng limandaan sa kanya. Pinilit ko siyang kumuha ng maraming kanin at ulam kasi alam ko gaano nakakagutom ang kanyang trabaho.


Nagpaalam na kami ni Mama na aalis na at uuwi pa kami ng bahay. Hindi niya namalayan na hindi pa kami nakaalis ni Mama. Nakaupo lang ako tapat ng motor ko. Habang tinitignan ko lang si Tiyo na nasa tapat. Nagtaka ako kasi ang laki ng mga ngiti niya habang kausap ang Tindera ng pungko-pungko (kainan). After ng mga ilang minutes may lumapit sa kanya ng isang matanda. Tinitignan ko lang talaga kung anong ginagawa nila. 


Hindi ko inasahan na naluluha din sa aking nasaksihan. Pinunit ni Tiyo ang plastic na pinaglagyan ng ulam at binuksan ang kanin. Sobrang pagkamangha ko nung pinakuha niya ang matanda ng kanyang dala-dalang pagkain," 


"Naiiyak ako habang pinapanood ang kanyang ginawa. I was just smiling habang pinipigilan ko ang aking mga luha. Kahit pa man sa sobrang hirap ng kanilang pamumuhay, at kahit pa kailangan din niya ng pagkain pero hindi niya ipinagdamot ang biyayang natanggap niya,"


Danilo Alverio pala pangalan niya. Sa mga taga Barili, marami narin sigurong nakasakay sa kanyang padyak. Palagi lang itong nakakngiti sa kanyang mga pasahero. May narinig din akong feedback sa ibang mga estudyante dati na hindi na sila pinagbabayad pa ni Tiyo. Kung totoo man yun si Lord lang ang nakakaalam ng lahat.  


I know wala kang FB Tiyo pero sobrang proud ako sayo. Di ako mahihiyang ipagsigawang tawagin ka sa Bayan dahil hindi kita ikinakahiya. 


***

Source: Daz

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!