OFW na minaliit ng kapwa OFW dahil walang mamahaling gamit at alahas, ipinagmalaki ang mga naipundar - The Daily Sentry


OFW na minaliit ng kapwa OFW dahil walang mamahaling gamit at alahas, ipinagmalaki ang mga naipundar



Hindi maikakaila ang hirap at sakrispiyo ng ating mga kababayang nagtratrabaho sa ibang bansa dahil tinitiis nila ang mahiwalay sa kanilang pamilya upang makapag-ipon ng pera.
Mhai Mansueto San Pedro / Imahe mula sa kanyang Facebook account 

Marami na ang umangat ang buhay dahil sa kanilang tiyaga at sipag upang makaipon. Sa kabila ng lahat ay nananatili paring nakalapat ang kanilang mga paa sa lupa. 

Mayroon din namang iilan na dahil sa nag-iba na ang estado ng kanilang buhay ay nag-iba na rin ang kanilang ugali.

Samantala, viral ang isang Facebook post ng netizen na si Mhai Mansueto San Pedro, matapos itong maliitin ng kapwa niya Overseas Filipino Worker (OFW) dahil wala umano itong mamahaling gamit at suot suot na mga alahas.
Mhai Mansueto San Pedro / Imahe mula sa kanyang Facebook account 

Natapos na ni Mhai ang kanyang unang kontrata bilang isang domestic helper ngunit wala pa siyang nabibiling gamit para sa sarili niya. Ang kanyang cellphone ay may crack na ang screen at wala rin itong suot na gintong alahas.

Kwento ni Mhai, isang araw sa loob ng mall ay nakita niya ang mga kapwa niya mga DH, at dahil gusto niyang sumali sa kanilang kwentuhan ay lumapit siya sa kanila. Isang babae umano ang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa sabay tanong ng “ate bago kalang?

Tila nagulat umano ang babae nang sagutin ni Mhai na pangawalang kontrata na niya ito. Nakasuot raw ng mga gintong alahas ang babae at may gamit na Iphone. 

Pinayuhan umano ng babae si Mhai na bumili rin siya ng kanyang gamit nang sa gayun ay hindi ito magmukhang nakakaawa.
 Imahe mula Facebook account ni Mhai
Imahe mula Facebook account ni Mhai

dapat bumili kadin para sa sarili mo para dika mukhang kawawa.”

Hindi raw mahilig bumili si Mhai ng mga mamahaling bagay para sa kanyang sarili. Basta nagagamit pa ay okay na raw sa kanya.

Kwento ni Mhai, wala man siyang nabili para sa sarili niya, nakabili naman siya ng lupa at nakapagpatayo ng bahay. Nakabili rin siya ng tricycle para sa kanyang asawa at meron na rin silang sari-sari store. Naibibigay rin umano niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.

Basahin ang buong post ni Mhai sa kanyang Facebook:

"Share kolang po kanina sa mall may mga kadhama na nagkukwentuhan sa palaruan lumapit ako para makisali pinansin ako ng isang babae tinignan nya ako mula ulo hanggang paa sabay sabi, 'ate bago kalang??? Sabi ko hindi pangalawang kontrata kona to kakabalik kolang. Sabi niya ay talaga? Bakit wala kang gold? (Sya kasi may mga gold) tapos cellphone mo bakit basag? Naka iphone kasi sya. Sabi ko d kasi ako maluho ok na sakin basta nagagamit sya. Dapat bumili kadin para sa sarili mo para dika mukhang kawawa. Seryoso talaga siya. 

Di ako kumibo naisip ko oo nga naman natapos ko kontrata ko kahit ano wala akong nabili sa sarili ko pero marami akong naipundar para sa pamilya ko. Naishare kolang d2 kasi nabanggit nila member cla d2. Wala man akong matiryal na bagay na nabili, nakabili naman ako ng lupa nakapag patayo nh bahay, nakabili ng motor at trycycle plus nakapagpatayo ng tindahan higit sa lahat naibbgay ko lahat ng gus2 ng mga anak ko. Yun lang masaya nko...diman tayo mayaman importante di mukhang kawawa pamilya natin. Salamat po sa matiyagang pagbabasa sa mahaba kong kwen2. Godbless mga kabayan."

Sa isa pa niyang post, ibinahagi rin ni Mhai ang larawan ng luma at bagong patayo nilang bahay.

 Imahe mula Facebook account ni Mhai
 Imahe mula Facebook account ni Mhai
Imahe mula Facebook account ni Mhai
Imahe mula Facebook account ni Mhai



***
Source: OFW Tambayan