Netizen, nagviral at pinuri ng madla dahil sa kanyang naging reaksyon sa matandang nakabangga sa kanya - The Daily Sentry


Netizen, nagviral at pinuri ng madla dahil sa kanyang naging reaksyon sa matandang nakabangga sa kanya




Tunay na nakakagaan ng loob sa araw-araw at nakakapagdesisyon ka ng maayos sa kahit anumang mga sitwasyon o pangyayari kapagka katiwasayan sa isip at pag-iintindi ang iyong pinaiiral sa lahat ng panahon. Dahil talo sa lahat ng pagkakataon kung puro init ng ulo at galit sa kapwa ang nangingibabaw. 


Umani ng mga paghanga at papuri ang naging reaksyon ng isang netizen na si Francis Anthony Semana sa pagkakabangga ng kanyang sasakyan sa labas ng isang Bangko, kung saan mas pinili niyang intidihin lahat ng pangyayari. 


"Nagpark si manong sa likod ko at iniwan ang sasakyan para mag withdraw. Walang handbreak so bumangga siya sakin."


Mga larawan mula kay Francis


Kinompronta ni Francis ang matanda na kasalukuyang nagwiwithdraw sa isang ATM sa nangyari, at pansin niya sa mukha nito ang takot at panginginig na baka siya'y pagbuntunan ng galit at pagbayarin sa aberya at sirang kanyang naidulot.


"(Ninenerbyos at luma pa ang plaka.) Pasensya na anak. Hindi ko alam. Namumutla at nanginginig." 


Pero imbes na galit ang kanyang igante sa matanda na nakabangga sa kanya at ng kanyang kotse ay mas inuna niya pang alalahanin ang kondisyon at kalusugan nito. 


"Hinagod ko ang likod niya. maliit lang yan manong. Pag nahighblood kayo. Mas malaki ang gastos. Hayaan niyo na. Wala naman nangyare sakin,"


Paalala rin ni Francis sa lahat na piliing maging mabuti sa kapwa. Huwag pairalin ang init ng ulo sa mga maliliit ng bagay kung pwede namang idaan nalang ito sa magandang usapan, lalo na umano sa panahon ngayon na lahat ay may kinakaharap ng problema kasabay ang pagkayod sa buhay upang i-survive ang kanilag pang araw-araw. 


Mga larawan mula kay Francis


Narito ang nakakamanghang post ni Francis: 


Eksena sa BPI Caritan kaninang umaga.


Nagpark si manong sa likod ko at iniwan ang sasakyan para mag withdraw. Walang handbreak so bumangga siya sakin. 


Pinuntahan ko siya sa ATM. Kakawithdraw and may hawak siyang pera. Hindi niya maitago na may pera siya.😂😂



Ako: Kuya, wala kayong handbreak? Tinamaan niyo ko.


Manong: (ninenerbyos at luma pa ang plaka.) Pasensya na anak. Hindi ko alam. Namumutla at nanginginig. 


Ako: Kuya, taga saan po ba kayo? 


Manong: Taga Iguig pa ako. Pasensya kana tlga.


Ako: Hinagod ko ang likod niya. maliit lang yan manong. Pag nahighblood kayo. Mas malaki ang gastos. Hayaan niyo na. Wala naman nangyare sakin. Buhay tayo parehas. Ingat na lang po kayo sa byahe. Busina and kaway palayo.


Mga larawan mula kay Francis

Mga larawan mula kay Francis


Ung mga maliliit na bagay na pwede naman idaan sa magandang usapan. Ganun na lang. Palipasin na lang. Andami daming problema ngayong pandemya. Wag idaan sa init ng ulo. Spread Love guys.


-Francis


***

Source: Francis Anthony V. Semana

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!