Sabi nga nila, kapag nanganganak ang isang babae ay parang nasa hukay ang isa sa kanilang mga paa dahil anomang oras ay maaari silang bawian ng buhay. Kaya talagang nakakatakot ang kanilang pagdadaanan.
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Mayroong dalawang paraan ng panganganak. Ito ay ang normal delivery at ang cesarean section delivery kung saan hihiwain ang tiyan ng babae.
Matapos ang matagumpay na panganganak ng isang ina ay kailangan din nilang maghintay na maghilom o gumaling ang kanilang mga sugat.
Para sa mga dumaan sa cesarean section delivery, mas matagal daw ang pag galing nito. Ngunit walang kasiguraduhan na kapag naghilom na ang hiwa sa tiyan ay ligtas na sila.
Ito ang ibinahagi ng netizen na si Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual sa kanyang Facebook account.
Ayon kay Pascual, 6 years na umano ang nakalipas nang manganak siya sa kanyang bunsong anak sa pamamagitan ng CS.
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Ang buong akala niya ay ligtas at magaling na siya. Isang araw ay bumuka raw ang kanyang tahi, ngunit binalewala lang niya ito.
Napansin rin niya na may tumubong bukol sa kanyang peklat.
Kaya naman binuksan ulit ang tahi ni Pascual at doon ay may nakitang tum0r.
Nagpapagaling na ngayon si Pascual matapos ang kanyang operasyon.
Sa kanyang post ay nagbigay ng paalala si Pascual sa mga kapwa niya ina na huwag baliwalain kung sakaling bumuka ang kanilang mga tahi.
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
“kaya sa mga Nanay po jan na magCCS or nagCS na ng nakaranas na bumuka ung tahi wag nyo pong baliwalain.. Kase maaari pong ganito mangyari tulad saken kahit lumipas na ang maraming taon!! Keep safe po mga momshie!!”
Sa ngayon ay mayroon ng 65k shares ang post ni Pascual.
Narito ang kanyang buong post:
"For the mother out there.. konting advice lng po.. Kung kayo po ay nakaranas or makkaranas palang mg CESARIAN SECTION (CS) DELIVERY!! at bumuka po ung tahi nyo.. wag nyo pong baliwalain.. 6 years na po akong CS sa bunso ko!! That time bumuka po ung tahi ko!! Binaliwa ko po yun.. in 6years kala ko di mangyyari.. dun po sa pinakang peklat ko na bumuka may tumubong ENDOMETRIOSIS CS SCAR (bukol)!! Buti nlng naagapan agad at maliit pa! Kaya kasamaang palad sa 6years na nung CS ko hiniwa Nila ulit.. para akong nagCS ulit.. kaya sa mga Nanay po jan na magCCS or nagCS na ng nakaranas na bumuka ung tahi wag nyo pong baliwalain.. Kase maaari pong ganito mangyari tulad saken kahit lumipas na ang maraming taon!! Keep safe po mga momshie!!"
Narito ang ilang larawan na ibinahagi nito Pascual:
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
***