Netizen, may Paalala sa mga Magulang na Nililibre ng Anak: ‘Wag naman po nating sabihing Perahin mo na lang!’ - The Daily Sentry


Netizen, may Paalala sa mga Magulang na Nililibre ng Anak: ‘Wag naman po nating sabihing Perahin mo na lang!’



Photo credit to Alex Diaz Tatoy | Facebook

Sinasabing masarap daw sa pakiramdam para sa isang anak ang pagdating ng oras kung kailan siya naman ang manlilibre sa kanyang mga magulang. Matapos ang mahabang panahon ng pag-aaral at gastos ng magulang maitaguyod lamang sila, darating din ang panahon na masusuklian ng anak ang lahat ng sakrispisyo ng kanilang mga magulang.

Kaya naman kapag nakapagtapos at nakahanap ng trabaho, karamihan sa mga anak ay ibinibigay ang kanilang sweldo sa mga magulang o di kaya ay ay bibigyan sila ng regalo, pasalubong, ililibre sila sa kung saang bakasyon o kahit simpleng pagkain sa labas.



Ngunit tila karamihan din sa mga magulang ay mas pinipili na pera na lamang ang ibigay ng anak sa halip na regalo o pagkain sa labas, dahil para sa kanila mas kailangan nila ito at mas praktikal daw. Gastos lamang daw kasi ang paglabas at pagkain sa mga restaurants.

Kaya naman, may paalala para sa lahat ng magulang ang netizen at government employee na si Alex Diaz Tatoy, 26 anyos, mula sa North Caloocan.
 
Photo credit to Alex Diaz Tatoy | Facebook

Sa kanyang Facebook post, kanyang pinaalalahan ang mga magulang na nagsasabing ‘Perahin mo na lang’ sa mga anak na nagsisikap na mailibre sila sa labas o kaya naman ay may pasalubong o regalo sa kanila.

Ayon sa kanya, ang panlilibre ng mga anak ay paraan upang ipakita nila ang paglalambing sa mga ito at upang ipadama ang pagtanaw ng utang na loob. Ito rin ay isang mabisang paraan ng 'family bonding' na kailanman ay hindi matutumbasan ng kahit gaano kalaking halaga ng pera.

Photo credit to Alex Diaz Tatoy | Facebook

Photo credit to Alex Diaz Tatoy | Facebook

Tila marami namang anak ang naka-relate sa post na ito ni Diaz kaya naman umani ito ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens at sadyang nag viral online.



Basahin ang kanyang post sa ibaba:

"Sa mga parents po, kapag ililibre sa labas or idi-date po tayo ng mga anak natin lalo’t galing sa pinaghirapan nilang trabaho, ‘wag naman po nating sabihing,

“Perahin mo na lang!”

Masakit po ‘yan. Sa hirap ng buhay, minsan gusto po tayong i-treat ng mga anak natin by eating something new and sumptuous. Sobrang aware po ang mga anak natin na kailangan n’yo rin po ng pera, pero kapag naglalambing na ilibre kayo ng anak n’yo, ‘wag n’yo namang i-turn down by saying, “Gastos lang ‘yan, perahin mo na lang.”

Hindi po natin ikina-praktikal o ikina-simple every time na pinipili natin ang pera over bonding kasama ang anak.
 
Again, alam po ng anak kung may sobra sa budget kaya malakas ang loob mag-aya. At hindi naman madalas tayong inaaya na kumain sa labas. Malay n’yo bibigyan pala kayo ng pera kapag nasa mall na kayo.
 
Tanggalin po natin ang pang-mahirap na mindset na parang ang kailangan lang natin sa mundo ay pera, na para bang hindi tayo makagalaw kung walang pera. Importante po ang pera, pero maraming mas mahalagang bagay over it.

So, next time, kapag inaya po tayo ng mga anak natin to eat outside, ngumiti po tayo at um-oo. Grabeng stress po ang tinitiis ng iba nating mga anak sa trabaho para lang mailibre tayo."

Photo credit to Alex Diaz Tatoy | Facebook