Netizen ibinahagi kung papaano maibalik ang mga lumang larawan mula sa mga negative film strip - The Daily Sentry


Netizen ibinahagi kung papaano maibalik ang mga lumang larawan mula sa mga negative film strip



Dahil sa ipinapatupad na quarantine sa iba’t ibang lugar ng ating bansa, maraming mga natizens ang naiinip at naghahanap ng mga pagkakaabalahan.
Photo credit: Jh-Arland Pasion

Kung ang ilan ay abala sa panonood ng Netflix at paglalaro ng Mobile Legends, ang netizen na si Jh-Arland Pasion naman ay napag-tripan ang mga negative film strip ng mga lumang larawan sa kanilang bahay.

Ayon kay Pasion, nanood siya sa Youtube ng mga tutorials kung papaano marestore ang mga lumang larawan.

So dahil quarantine sa sobrang ka boringan ko hinalungkat ko mga gamit sa bahay namin hanggang sa nakita ko itong lumang picture ng tito ko wayback 80's or 90's ata edi ako nacurious kung ano ba tawag dito at kung possible pa ba na mai-recover yun sa bahay lang,” sabi ni Pasion sa kanyang Facebook post.

so nanood ako sa YouTube ng mga DIY Tutorials kung pano i-recover and muka namang effective kaya ii-share ko sainyo itong natutunan ko para masubukan niyo din na maiayos pa mga luma niyong litrato nuon,” dagdag niya.

Narito ang mga hakbang na dapat gawin upang marestore ang mga lumang larawan:

Step 1: Kunin mo yung negative film strip photo na gusto mo i-recover.

Step 2: Kumuha ng extra smartphone tapos mag download ng white background then buksan mo yun sa gallery mo.

Step 3: Ipatong mo yung negative film strip photo sa extra smartphone na naka bukas yung white background.

Step 4: Taasan mo yung brightness para mas makita ng malinaw at picturan mo na ng malapit gaya neto.

Step 5: Punta ka sa PicsArt kahit anong editing app pwede basta yung may negative effect and enhance tool sana.

Edit: If ever na mas magandang result gusto mo mas ini-rerecommend ko sayo na Adobe Photoshop or Lightroom (Desktop or Mobile) ang gamitin mo dahil may mga features doon na mas magiging malinaw yung kalalabasan ng i-rerecover mo na negative film strip photo

Step 6: Tapos punta ka sa "Effects".

Step 7: Hanapin mo naman ngayon yung "Color".


Step 8: Hanapin mo naman yung "Negative" then i-click mo yun.

Step 9: Pag tapos mo gamitin yung negative filter ganyan na ang itsura niya dapat then punta ka naman ngayon sa tools ulit.

Step 10: Punta kang "Adjust" for image enhancement (Brightness: +10 Contrast: +50 Saturation: -50 Highlights: -5 Shadow: +15)

Step 11: Eto na ngayon yung itsura after mo mai-enhance yung image.

Step 12: Punta ka naman ngayon ulit sa tools tapos hanapin mo yung crop.

Step 13: Adjust mo yung slider para pumantay yung picture in my case 4.0 degree angle then i-crop mo na ng maayos yung picture nalang na kita.

Step 14: Then dapat ganito na kalalabasan niya at i-save mo na.

Maraming netizens ang natuwa at humanga kay Pasion. Ang ilan ay gusto ring subukan ang kanyang ginawa. 

Sa ngayon ay umabot na sa 34k reactions, 6.2k comments at 85k shares ang post ni Pasion habang sinusulat namin ang artikulong ito.


***