Sariwa pa sa iilan ang trending video ng noo'y araro boy na si Reymark Mariano nang ibahagi ang kaniyang kahabag-habag na sitwasyon sa programang KMJS noong Mayo 2021.
Sa murang edad kasi na 10 taong gulang ay maagang pinasan ng batang si Reymark ang mabigat na responsibilidad ng pagiging isang magulang.
Mag isa itong tumutulong sa kaniyang lolo at lola upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw dahil ang ina nito ay may ibang pamilya na habang ang ama naman niya ay nakakulong.
Katulong ang kaniyang kabayong si Rabanos sa pag-aararo, tuluyan ng nawalan ng pag asang si Reymark sa umasenso sa buhay. Para sa kanila, sapat na ang makakain sila ng tatlong beses sa isang araw.
Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook
Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook
"Hindi ko na po kaya, tulungan niyo po 'ko! Hindi ko na po kaya, maliit pa ako ganito na ang trabaho ko!" Umiiyak na sambit nito.
Ito ang mga katagang pumukaw sa damdamin ng marami. Dahil dito, dumagsa ang tulong para kay Reymark at sa kaniyang pamilya.
Makalipas ang 6 na buwan ay ibang iba na ang buhay ni Reymark. Malayo sa madilim na kahapong naranasan ng mura niyang katawan.
Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook
Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook
Naipag patuloy na rin nito ang kaniyang pag-aaral at itinabi ang ilan sa mga nalikom nilang donasyon sa bangko para may magamit hanggang sa makapagtapos ito.
"Marunong na po ako nang kaunti ng English, magbasa po."
May sarili na rin silang bahay, mga sasakyan, motor at bisikleta. Dagdag ang tatlong kabayo at isang malaking lupa para sa kanilang mga pananim na mais at iba pa.
Nakakalungkot namang ibinalita nito na dahil sa tuklaw ng ahas ay wala ng ang kabayong si Rabanos na kaagapay nito sa pag aararo. Ayon kay Reymark ito ang dahilan ng pag ahon nila sa kahirapan.
Sa ngayon ay patuloy na ibinabahagi ni Reymark sa mga kapwa niyang nangangailangan, ang mga biyaya na kaniyang natatanggap at pinagbubutihan ang kaniyang pag aaral, bilang ganti nito sa mga taong nagtiwala at tumulong sa kaniya.
Kapuso Mo, Jessica Soho | Facebook