MMDA noon, negosyante na ngayon! 60k-90k na kita buwan buwan, pagbabasa lang ng libro ang puhunan. - The Daily Sentry


MMDA noon, negosyante na ngayon! 60k-90k na kita buwan buwan, pagbabasa lang ng libro ang puhunan.



Isang dating empleyado ng MMDA ang ngayo'y nagpapatakbo na ng hindi lang isa kundi apat na negosyo sa tulong ng pagbabasa ng libro at panonood ng mga video tungkol sa pag iipon at pag iinvest.

Bukod sa mga negosyong ito ay ongoing na rin ang pagpapagawa niya ng resort sa Pampanga.




Halina't tunghayan ang kwento ni Nathan Lumaban, isang istorya ng paglalakbay patungo sa kanyang pinapangarap na buhay.

"Ako si Nathan Lumaban nag simula bilang MMDA at uber driver at napakinggan ko sa radyo si Coach Chinkee noon 2016"

"doon nag simula ako mag ka idea paano ba makapag ipon kahit maliit ang kinikita. Dati sakto lang ang kinikita minsan kulang pa. Sabi ko sa sarili ko mangangarap ako para sa Pamilya ko at hindi pwedeng ganito lang ang buhay ko."

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook


"Natuto ako mag buy and sell na walang puhunan at ginamit ko din ang pag buy and sell para makaipon at makapag patayo ng negosyo ng dahil kay coach chinkee nakapag patayo ako ng carwash, mini restaurant at water refilling station at ngayon nakapag invest din sa mga ilan crypto at nft katulad ni axie."

"Nabago buhay ko nung simula nung nabasa ko ang mga libro ni Sir Chinkee Tan, heto yung naging eye opener sa akin kasi grabe yung mga nakasulat sa libro talagang matuto ka na mg ipon, mg business at maging utang free."

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook


"Narinig ko ky coach chinkee ung pag iipon at pag iinvest sa negosyo na hindi naman natuturo sa atin sa skwelahan at ngayon kumikita na ako ng 60k to 90k monthly at ngayon nag papagawa ako ng resort sa pampanga."

"Sabi nga ni coach magiging investment ang pag papagawa ng bhay kung ito ay kumikita ng pera kaya naman tiis muna kami sa maliit na bahay at pag nakaipon na tsaka na kami bibili ng sarili bahay na pwede kahit hindi kumikita share ko lang din ung lagi ko naririnig kay coach knowledge without application is entertainment."

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook


"Kaya nag papasalamat ako dumating si coach dahil siya nag turo sa atin paano maging debt free. Sana na inspire ko kayo. Kung kaya ko kaya niyo rin."

- Nathan Lumaban
(certified Iponaryo)

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook

Nathan Lumaban via Chinkee Tan | Facebook