Mga mumurahing unan, puro mga iniipong gamit na facemask ang laman - The Daily Sentry


Mga mumurahing unan, puro mga iniipong gamit na facemask ang laman




Marami sa mga tao lalo na sa panahon ngayon, ang habol ay mga mumurahing mga benebentang gamit at kung ano-anong mga bagay-bagay. Kahit pa halatang mababa ang kalidad nito at minsan ang iba'y nagsusulot at nakakasama sa kalusugan ay pinapatos pa rin hanggat sa tingin nila'y mura at pasok sa bulsa, hindi na alintana na sila'y naloloko na. 1


Katulad nalang ng isang babala ng isang concern citizen na si Jovelyn Sarmiento Gabelo sa mga kababayan niya doon sa mga naglilipanang mga nilalakong mumurahing mga gamit sa bahay tulad nalang ng unan, na benebenta sa halagang 50 pesos lamang.  




Paalala ni Jovelyn na mag-ingat sa mga binibiling unan na ganoon ka babang presyo dahil ang mga laman umano nitong pampalambot ay mga ni-recycle na mga disposable F@ce-mask. 2


"Maging aware p0 tayong lahat sa mga bumili ng unan sa halagang 50 pes0s sa mga nag lalak0 jan..ang laman po ng unan ayy mga gamit na face mask!!.. Maraming saki1 p0 ang makukuha natin dit0.. Isa na ang c*rona v*rus," 


"Nabiktima mga kapit bahay namin dit0 sa brgy uno ext!. Carmona cavite,"


"Keep safe p0 sa lahat," 


Makikita din sa mga larawang kanyang ibinahagi ang napakaraming mga ginamit na na mga Facemasks at ang pagsasalansan ng isang lalaki sa mga inimbak na mga F@ce-masks upang gawing itong mga unan pangbenta.




Pangunahing pananggalang ngayon ang pagamit ng mga Facemask upang makaiwas sa banta ng sakit, ito rin ang mga paalala ng mga eksperto maging ang tamang pagsuot nito at ang tamang pag-dispose matapos gamitin. 


May mga ilang netizens pa ang nakabili rin ng murang unan at nang sinubukang buksan doon na nila napatunayang totoo ngang mga gamit na mga masks ang laman nito.


***

Source:  Jovelyn Sarmiento Gabelo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!