Hindi maipagkakaila na marami sa mga Pinoy ang mga napapahanga sa mga taong matatas magsalita, lalong-lalo na sa mga batang kahit sa murang edad pa lang ay magaling at aral ng magsalita ng mga wikang banyaga katulad ng Ingles.
Nakakalungkot man ngunit mas una pa nilang nahasa ang kagalingan sa pag-Iingles kaysa sa pagbabasa, pagkilala ng mga numero, at pagsasalita ng wikang tagalog at ng mga lokal na dayalekto.
Ganito ang naging obserbasyon ng Gurong si Grace Canlas Sotea, isang Kumon Instructor, sa naging karanasan niya sa mga magulang at mga anak na nagpapa-enroll sa kanya, kung saan mas pinili pa umano ng magulang na tanging Math lang ang kukuhaning aralin para sa anak dahil magaling naman na rin daw ito magsalita ng Ingles.
Gumawa ng assessment si Teacher Grace para sa bata at dito niya napag-alaman na hindi nakakakilala ang bata ang mga letters at madali lang itong madistract.
Kaya may paalala siya para sa lahat ng mga magulang na hinihayaang puro mga gadgets at videos lang ang hawak, kasama at pinagkakaabalahan ng mga anak.
"We are our child's first teachers. Don't celebrate having kids speaking foreign language. It only shows you haven't talked to them often and allowed technology to turn over,"
"We don't have the right to claim that kids are different now. It is your parenting time and skills that deteriorated,"
Narito ang kanyang buong post:
Inquiry:
Mom: teacher ipa enroll ko po sa Math ang baby ko 4 yrs old po. Di n po sa reading kc english speaking nmn po xa.
Me: Ano po na language ginagamit nyo at home.
Mom: bisaya po pero english speaking po anak ko. Di po xa marunong mag bisaya.
Me: so how do you communicate with him.
Mom: Sinusubukan namin mag-English, minsan nag-aaway kami, kasi mali yung pronunciation namin.
Me: you just told me that the tv and the gadget raised your child. He communicated more often to peppa pig more than they talk to you.
Let's check po.
After Reading DT.....
The child doesn't recognize letters, just pictures. Communicates well with accent but can't follow instructions. Easily distracted.
Dear parents...
We are our child's first teachers. Don't celebrate having kids speaking foreign language. It only shows you haven't talked to them often and allowed technology to turn over.
We don't have the right to claim that kids are different now. It is your parenting time and skills that deteriorated! Always remember, kids are like a blank canvas. What picture we'll see in them after sometime depends on what colors and pictures we paint in them.
Don't wait until we see a scratch paper throwable in the trash bin. Help them create a great painting worthy of a place in a gallery.
***the pic is a great picture painted byva single mom worthy of a big space in a gallery....
***
Source: Grace Canlas Sotea
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!