Maraming mga hanapbuhay ang naaapektuhan dahil sa problemang dulot ng hirap na kinakaharap ng buong mundo ngayon, marami ang nawalang ng trabaho, nagsarang maliliit at malalaking negosyo, nawwalan ng mga mahal sa buhay. Ngunit, marami ring mga magagandang oportunidad ang nagbukas para sa lahat upang kahit papano'y makapagpatuloy sa buhay at kumita para sa mga pangangailangan ng pamilya.
Tulad nalang ng pag-oonline selling ng karamihan sa mga kababayan Pinoy, dito walang pinipiling edad, kasarian, o edukasyon hanggat marunong kang mag 'Flex' ng iyong mga produkto sa social media, kikita ka. Gayunpaman, hindi nawawala ang mga taong manghihila sayo pababa na siyang tunay na balakid sa lahat ng mga online selling.
Dinudurog ang puso siya habang pinapanuod ang walang kapagurang ginagawang pagtitinda ng isang matanda na si Nita Bolanos, 67-anyos isang Online Seller mula Binangonan Rizal, na halos lahat ng nilala-Live seeling niya ay puro mula sa mga bogus miners at buyers o 'yong mga taong hindi tinutuloy kuhanin at bayaran ang mga orders at mga mina-mine.
"Nakakalungkot isipin na madami pa din tao ang di marunong mahiya. Hindi kayo marunong maawa, anong akala niyo sa paglalive selling madali lang?" saad ni Nichole
"Halos ang naiflex ni nanay galing sa joy joy/bogus buyer. HUWAG MAG-MINE KUNG DI KA SIGURADO, WAG EPAL ‼️‼️‼️‼️,"
Kahit pa sa kanyang katandaan at pangangatawan na hindi na ganoon kasing lakas ng iba na kayang pang makipagbardagulan sa Live kung may mga nantitrip o mga nanloloko sa kanila na mga customers, patuloy parin si Nanay Nita, mula hapon at kung minsan pay inaabot na umano ito ng halos hatinggabi sa pagla-Live selling ng kanyang mga pre-l0ved items.
"Ako nga 22yrs old hirap sa pagbebenta si nanay pa kaya 😭 jusko po, tamaan naman sana kayo ng konting hiya at konsensya," dagdag niya
Nagpabatid naman ng maraming pagsuporta ang mga netizens at ramdam ng karamihang mga online sellers ang pinagdadaanang hirap ni Nanay Nita, ang hirap ng patuloy na pagsasalita sa Live at kung minsan pay wala rin talagang nanonood sa umpisa at wala silang maibenta ngunit patuloy lang hanggang paunti-unti ay may mga magtitiwala at susuporta sa maliit na paraan ng pagnenegosyo.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
BE A RESPONSIBLE BUYER ‼️‼️
Nakakalungkot isipin na madami pa din tao ang di marunong mahiya. 2022 na pero tox1c pa din kayo sa business ng iba. 😔
Hindi kayo marunong maawa, anong akala niyo sa paglalive selling madali lang? Ako nga 22yrs old hirap sa pagbebenta si nanay pa kaya 😭 jusko po, tamaan naman sana kayo ng konting hiya at konsensya.
Halos ang naiflex ni nanay galing sa joy joy/bogus buyer. 👽
Huwag epal sa live, kung di kayo sigurado wag niyo aksayahin oras ni nanay!!! Pagtripan niyo na lahat wag lang yung naghahanap buhay ng ayos. 😈😈
HUWAG MAG-MINE KUNG DI KA SIGURADO, WAG EPAL ‼️‼️‼️‼️
Add niyo po si nanay Nita Bolaños po fb ni nanay yan po gamit niya kapag naglalive selling siya. Suportahan po natin si nanay 💖💯
Mas madami pa pong blessings ang dadating sayo nay. Keep fighting! More sales to come. Godbless you po 🙏😇
***
Source: Nichole Angelie Dimaandal
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!