Magulang na fishball, balut vendor, napagtapos ang 10-anak; Bagong Bahay regalo ng magkakapatid - The Daily Sentry


Magulang na fishball, balut vendor, napagtapos ang 10-anak; Bagong Bahay regalo ng magkakapatid




Pinagkukunan ng inspirasyon ngayon ang post ng dating walang-wala at dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay napagtapos silang lahat sampung magkakapatid sa kolehiyo. 


Napuno man sila ng mga kaliwa't kanang pangungutya hindi sila nagpapatinag magkakapatid sa mga negatibong panghuhusga ng ibang tao, bagkus ay nilamangan pa nila ang bawat sakripisyo at pagpupursige ng kanilang mga magulang. 


Ayon kay Jeniffer Atienza Guno, isa ng matagumpay na Guro ngayon, hindi niya makakalimutan ang pangmamaliit sa kanilang pamilya tungkol sa hirap ng pamumuhay at klase ng tirahan meron sila noon. Kinuwestiyon pa maging sa kung hanggang saan lang ang kaya ng mga magulang nila sa pagpapaaral nilang magkakapatid. 



Kung hindi dahil sa ibang klaseng sipag at tiyaga ng kanyang mga magulang na dumidiskarte ng ibat-ibang mapagkakakitaan maigapang lang ang kanilang pag-aaral hanggang sa koliheyo hindi nila maiaahon ang kanilang buhay sa kahirapan.



"We are 10 siblings and our parents' works are fishball and balot vendor, scrapper, hallow block maker etc,"


"Dahil sa sipag at tyaga ng aking mga magulang at sa dedikasyon ng aming magkakapatid ay utay utay kming nakatapos ng pag-aaral sa kabila ng pagmamaliit ng ilan sa amin," 


Sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan, matagumpay nilang naibigay ang tuwa't saya sa kanilang mga magulang hindi lang dahil nakapagtapos silang lahat sa pag-aaral, nakapagpatayo pa silang magkakapatid ng magandang bagong bahay para sa kanilang mahal na magulang.


Kung noon ay kung kani-kanino pa sila nakikisilong na bahay tuwing may mga bagyo, dahil gawa lamang sa tagpi-tagping plywood at kawayan ang tirahan nila noon. 



"Tinawag pa nilang eskwater ang aming bahay kaya ito rin ang naging challenge sa amin para bigyan ng maayos na bahay at di na manilungan sa iba tuwing may bagyo,"


Wala na marahil pang makakapantay sa kaligayahan ng mga magulang at tiyak na napapawi lahat ang kanilang mga pagod at sakripisyo sa tuwing nakikita ang mga anak na nagsipagtapos na lahat sa pag-aaral at ay may mga magaganda ng pamumuhay.  


Basahin ang kabuuan post ni Jeniffer:


PTPA

Nainspire lang po ako sa mga posts nyo. Naipost ko na rin po ito sa isang page at nais ko rin po sana makainspire at mainspire pa.




This is our house before and after. Napakaraming kwento po sa kabila ng mga tahanang yan. We are 10 siblings and our parents' works are fishball and balot vendor, scrapper, hallow block maker etc.  


Dahil sa sipag at tyaga ng aking mga magulang at sa dedikasyon ng aming magkakapatid ay utay utay kming nakatapos ng pag-aaral sa kabila ng pagmamaliit ng ilan sa amin sapagkat di daw kami kayang patapusin ng aming mga magulang. 




Tinawag pa nilang eskwater ang aming bahay kaya ito rin ang naging challenge sa amin para bigyan ng maayos na bahay at di na manilungan sa iba tuwing may bagyo. 


At hayan na nga po ang bunga ng aming pagsisikap para sa aming mga mahal na mga magulang. Bagamat hindi pa ganun katapos at may mga kulang pang kagamitan ay maligaya na po kmi sapagkat natupad ang aming pangarap sa aming pamilya dahil sa gabay at provision ni Lord. May tahanan na rin kami at hindi na mangangamba kapag dumating ang bagyo.




Jeremiah 29:11

"For I know the plans I have for you declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and the future."

***

Source: Jeniffer Atienza Guno

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!