Mag-iina na hindi nakabayad sa inuupahan na bahay, pinalayas ng may-ari - The Daily Sentry


Mag-iina na hindi nakabayad sa inuupahan na bahay, pinalayas ng may-ari



 

Larawan mula kay Nicole Ronquillo
Viral sa Facebook ang larawan ng tatlong mag-iina kung saan ay pinalayas raw umano sila ng kanilang amo sa bahay na inuupahan dahil hindi sila nakapag-bayad ng renta sa nakatakdang araw o petsa.

Nakakaawa nga naman ang sinapit ng mag-iina na ito na sa gitna ng pandemic ay naranasan nilang walang matuluyang tahanan.

Ayon sa post ng netizen na si Nicole Ronquillo, hirap at wala raw income ngayon ang mag-iina matapos mawalan ng trabaho ang kanilang padre de pamilya dahil natangal ito sa dating trabaho dahil sa pandemic na kinakaharap ng bansa.
Larawan mula kay Nicole Ronquillo
Larawan mula kay Nicole Ronquillo

"Mga walang awa... kawawa naman po sila pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila pandemic at walang trabaho ang karamihan." ayon sa post ni Nicole.

Banggit pa ni Nicole, naging caretaker din umano ang pobreng pamilyang ito sa bahay ng kanilang amo noong panahong nasa ibang bansa pa ito, kaya naman sana daw ay binigyan sila ng kahit kaunting konsiderasyon lalo na ngayong panahon ng krisis.

"Naging caretaker siya nung time na nasa abroad ang may ari ng bahay taga, linis ng dumi ng alaga nilang aso. Tapos ngaun ganyan ang gagawin sa kanila." kwento ni Nicole.

Basahin ang buong post sa ibaba:

"Mga walang awa... kawawa naman po sila pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila naka-lockdown at walang trabaho ang karamihan. Samanta ang laki ng tulong nila sa may ari nung nasa abroad pa sila ngayon hindi na nila kailangan, pinaalis na nila... 
Larawan mula kay Nicole Ronquillo

"Walang trabaho ang asawa niya ngayon dahil sa kumakalat na virus.. Naging care taker siya nung time na nasa abroad pa ang may ari ng bahay, taga linis ng dumi ng alaga nilang aso. Tapos ngayon ganyan ang gagawin sa kanila...

"Nasaan ang konsensya mo EVELYN CAMARAO.. Siya ang may ari ng bahay apat na bahay pinapaupahan niya sa southville 8A. Ang dami samanta hindi siya botante dito walang pakinabang dito sa San isidro.

***