Lolong Tindero na Labis ang Iyak ng Mabiktima ng Pekeng Pera, Tinulungan ng Mabait na Pulis! - The Daily Sentry


Lolong Tindero na Labis ang Iyak ng Mabiktima ng Pekeng Pera, Tinulungan ng Mabait na Pulis!



Photo credit to Bayan Mo, Ipatrol Mo | Facebook

Sadya nga namang nakapanglulumong isipin na may mga taong kayang manloko ng kapwa nila kahit pa ang bibiktimahin ay isang matanda na naghahanap-buhay ng maayos.

Tulad na lamang ng nangyari kay Lolo Pedro Salarzon, tindero sa Santo Domingo, Ilocos Sur na kamakailan ay nag-viral sa social media dahil sa pagbahagi ng isang netizen sa sinapit ng matanda sa isang customer nito.



Photo credit to Bayan Mo, Ipatrol Mo | Facebook

Photo credit to Bayan Mo, Ipatrol Mo | Facebook

Kwento ng netizen, isang babae diumano ang bumili ng seedlings kay Lolo Pedro sa halagang P40 lamang at nagbayad ng P1000. Agad naman itong sinuklian ng matanda.

Ngunit ng magpapalit si Lolo sa tindahan malapit sa kanyang pwesto ay nalaman niyang Peke ang pera na binayad ng bumili ng seedlings.

Napaiyak nalang sa pagkabigla si Lolo Pedro nang malaman ito at sinabing, "Naghahanap buhay ako ng matino kahit matanda na ako, nagawa niyo pa akong lukuhin, ilang araw na panggastos ko na sana yun".



Photo credit to Bayan Mo, Ipatrol Mo | Facebook

Marami naman ang nahabag sa sinapit ng matanda kaya naman ng nalaman ito at nakausap siya ni Police Staff Sergeant Maximino Ramos, ay agad nitong tinulangan si lolo at pinalitan ng tunay na P1000 ang pekeng pera.

Labis itong ikinagalak ni lolo at buong pusong nagpasalamat sa mabait na pulis na si Ramos.

Samantala, mabilis na kumalat ang kwentong ito sa social media dahilan kaya marami ang nagpaabot kay Lolo Pedro ng tulong.

Photo credit to Sto. Domingo Municipal Police Station | Facebook



Kasama ang mga Kabataang miyembro ng isang organisasyon sa kanilang lugar, inimbitahan ni PSSg Maximino Ramos si lolo upang personal na maibigay ang mga biyayang handog ng mga taong nagmalasakit at nagpa abot ng tulong para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Matapos nito ay inihatid siya sa kanyang tahanan sa Brgy. Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur para makita na rin ang kanilang kalagayan at sitwasyon sa buhay.
 
Photo credit to Sto. Domingo Municipal Police Station | Facebook

Doon ay nadatnan nila ang asawa ni lolo na diumano ay may sakit, ang nag-iisang anak na naiwan sa kanya na nakakaranas ng mental health issues at ang kanyang apo na pipi at bingi.

Hindi mapagkakailang maituturing na napakatatag na haligi ng tahanan si Lolo Pedro, dahil bagamat maraming pagsubok sa buhay ay matiyaga niya itong hinaharap para sa kapakanan ng kanyang pamilya. at patuloy sa paghahanap-buhay maitawid lamang ang kanilang pangaraw-araw na gastusin.