Kwento ng isang OFW sa Japan, matapos tulungan ang matandang hapon na basang-basa ng ulan ang loob ng sapatos. - The Daily Sentry


Kwento ng isang OFW sa Japan, matapos tulungan ang matandang hapon na basang-basa ng ulan ang loob ng sapatos.



Tunay na kahanga-hanga ang mga kababayan nating OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Minsan hindi lang isa o dalawa kundi higit pa ang trabahong ginagawa nila rito para lang mapunan lahat ng mga bayarin, gastusin at mga maibigay ang kanilang mga buwanang padala sa kaanak o pamilya.




Bukod sa kasipagan ay likas na matulungin din ang mga Pilipino. Kaya naman nakakamangha ang kwentong ibinahagi sa Facebook ni Mae de Mesa nang minsa'y may madaanan siyang matanda pauwi galing trabaho.

Malakas raw ang ulan ng mga oras na iyon sa Okinawa, Japan kaya nais niya na sanang makauwi agad.

Ngunit hindi niya makalimutan ang nadaanang matanda lalo na't mag-isa lang itong nakaupo sa isang sulok.

Mae de Mesa | Facebook

Mae de Mesa | Facebook


Napansin niya kasi na sira na at nakatape na lang ang sapatos ng kawawang matanda at para mabilis na matuyo ang mga tubig na pumasok sa loob nito ay nilalapatan niya ng dyaryo ang loob nito.

Sa kabutihang loob ay naisipan ni Mae na bilhan ng bagong sapatos ang matanda ngunit wala itong nakita na kalapit na tindahan.

Mabuti na lang at kahit tsinelas ay meron itong nakita kaya agad niya itong binili at dali-daling binalikan ang kawawang matanda sa pangambang baka hindi na niya ito maabutang muli.

Mae de Mesa | Facebook



Swerte namang naabutan niya pa ito ngunit tinanggihan ng matanda ang dalang tsinelas ni Mae.

Aniya, wag daw nitong isipin ang kapakanan ng iba bagkus ay unahin ang sarili niya.

Iginiit naman ni Mae na para sa matanda talaga ang binili niyang tsinelas dahil sa nakita nito ang kalagayan niya. Na siya namang nagbigay ng ngiti sa lolo na hapon.

Matapos nito ay sandali silang nagkwentuhan at tuluyan ng umuwi si Mae, bitbit ang kagaangan ng loob mula sa simpleng pagtulong ng isang pinay na nakapagbigay ng ngiti sa matandang naninirahan sa kanyang bansang pinagta-trabahuhan.



Mae de Mesa | Facebook