Larawan mula kay Edgardo Evesa/Facebook |
Sa panahon ngayon ay mapa-bata man o matanda ay sinisikap mag pursigi para kumita ng pera dahil sa hirap ng buhay ngayong pandemic ay wala kang ilalatag sa hapagkainan kung hindi ka magsisikap magtrabaho.
Katulad na lamang ng isang lolo na food panda rider na nakikila sa pangalan na tatay Edgardo Evesa, na kahit may edad na ay nagpupursigi pa rin itong hamunin at makipag-sabayan sa mga motorista sa kalsada upang kumita ng pera.
Larawan mula kay Edgardo Evesa/Facebook |
Sa hirap ng buhay ngayon ay sinubukan ni tatay Edgardo na magtrabaho sa isang kompanya na kung tawagin ay Food Panda na kung saan ay naghahatid ito ng mga order na pagkain ng mga customer gamit ang kanyang motorsiklo.
Larawan mula kay Edgardo Evesa/Facebook |
Ngunit isang araw sa kahabaan ng kanyang tinatahak na daan ay hindi inaasahan na may mangyari sa kanyang hindi maganda at siya nga ay naaksidente.
Kumalat sa social media ang mga larawan ni tatay Edgardo na duguan at may mga malalaking gasgas sa kanyang magkakaibang bahagi ng kanyang katawan.
Larawan mula kay Edgardo Evesa/Facebook |
Makikita si tatay Edgardo na nakasuot ng facemask na may sugat ito sa kanyang ulo at punit ang kanyang suot na pantalon dahil sa kanyang pagkatumba sa motorsiklo.
Naging sentro ng atensyon si tatay Edgardo sa daan dahil sa nangyari sa kanya at agad naman na rumesponde ang ilang kapwa nito rider upang tulungan si tatay.
Makikita sa mga larawan na inaalalayan siya ng isang lalaking rider habang nakatayo sa may center island.
Mapapansin ang mga natamong sugat ni tatay Edgardo na tila malala at parang nahihilo pa ito kung kaya nakaalalay lang ang isang lalaki.
Dahil sa nangyari kay tatay Edgardo ay dumagsa ang tulong sa kanya mula sa mga netizens na nakakita sa nangyari sa matanda.
Nag-viral sa social media ang nangyaring ito sa matanda kung kaya naman maraming pinoy at mga kababayan natin na OFW ang nais rin mabigay ng tulong kay tatay.
Larawan mula kay Edgardo Evesa/Facebook |
Sa update ng anak ni tatay ay kasalukyan ng humihilom ang sugat nito sa noo at binti at napatingnan na rin nila sa ospital.
Larawan mula kay Edgardo Evesa/Facebook |
Wala naman dapat ikabahala dahil maayos na umano ang lagay nito at nagpapagaling na lang.
Labis-labis rin ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong sa kanilang tatay.
Bumilib rin ang mga netizen kay tatay dahil masipag pa rin ito kahit may edad na.
Labis naman ang pasasalamat ni tatay Edgardo sa mga taong lubos na nag-alala at nagbigay sa kanya ng maraming tulong. Sa kabila ng edad ni tatay Edgardo ay patuloy pa rin siyang naghahanap buhay para sa kanyang pamilya.
***