Photo credit to ABS-CBN News |
Matapos dumaan ang napakalakas na bagyong Odette sa bansa, makikita ang napakalaking pinsala na idinulot at iniwan nito sa mga apekatadong lugar sa bansa.
Daan-daang milyong piso naman diumano ang halaga ng pinsala ang winasak ng tinaguriang pinakamalakas na bagyo noong nagdaang 2021. Kalakhan sa mga napinsala ay para sa pagkontrol ng baha, mga pasilidad ng gobyerno at mga tulay.
Aftermath of Bagyong Odette | CTTO |
Aftermath of Bagyong Odette | CTTO |
Maraming lugar ang nawalan ng kuryente at suplay ng tubig, dahilan para mahirapan ang maraming Pilipino na makontak ang kani-kanilang pamilya at makaranas ng gutom.
Kabilang na dito ang probinsya ng Cebu na talaga namang malubha ang pinsala. Nagtumbahan ang mga puno at poste sa paligid at karamihan ng bahay ay nawasak.
Ngunit sadyang kataka-taka na mayroong isang bahay doon na kahit luma at maituturing ng 'ancestral house' ay hindi nagpatinag kay bagyong Odette.
Ngunit sadyang kataka-taka na mayroong isang bahay doon na kahit luma at maituturing ng 'ancestral house' ay hindi nagpatinag kay bagyong Odette.
Photo credit to ABS-CBN News |
Sinasabing bigong patumbahin ng lahat ng bagyong dumaan ang bahay na ito na itinuturing na ngayong 'Last House Standing' sa Sibonga, Cebu.
Ang bahay ay itinayo pa diumano noong 1939 at talaga namang kataka-taka na
wala siyang pinsalang tinamo sa pagdaan ng bagyo habang ang mga katabi nitong mga bahay at puno ay wasak lahat.
Marami tuloy ang namangha at nagtaka na sa kabila ng katandaan ng bahay ay nadaig pa nito ang mga bagong gusali at tahanan doon.
Photo credit to ABS-CBN News |
Ayon sa apo at dating tumira doon noong 1970s, ang bahay raw na iyon ay itinayo sa de-kalidad na materyales at sadyang maganda ang pagkakagawa, dahilan kaya nanatiling matibay at matatag ito na kahit ano mang bagyo at unos ay di papatalo.
Kahanga-hanga at kataka-taka o kung mayroon mang bumabalot na misteryo ang nasabing 'ancestral house' ay wala ni sino mang nakaka-alam.