Parang sunog sa bilis ang pagkalat sa social media ng balita patungkol sa isang 80-anyos na lalaking ipinakulong dahil umano sa pagnanakaw ng sampung kilo ng mangga.
Photo credit: Christian Albert Gaza Facebook page
Maluha-luha si lolo Narding Floro matapos itong makulong sa Asingan Police Station dahil sa isinampang kaso sa kanya.
“Impaburas ko maysa poon ti mangga awan pay 10 kilos, ti ammok sakop mi. Idi inaladan dan sinakop da met, mula mi met dadiay sir, idi nangalad da sinakop da.”
(“Pinapitas ko ‘yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun…”)
Lolo Narding / Photo credit to the owner
Lolo Narding / Photo credit to the owner
Paliwanag ni lolo Narding, gusto niyang makipag-ayos sa lalaking nagsampa ng kaso at bayaran na lamang ang nakuhang mangga ngunit ayaw nitong pumayag, sa halip ay sinisingil ang matanda ng anim na libo.
"Ti kayat ko kuma ke areglo kuman sir, dadiay met batet met nga banag. Idi ited ko iti bayad na di na kayat nga awaten, ti imbaga na bayadak kano ti sais mil," sabi ni lolo Narding.
Photo credit to the owner
(“Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko yung bayad ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo…”)
Marami ang nagalit at nadurog ang puso sa sinapit ng pobreng lolo.
Isa sa mga nagpahayag ng kanyang pagtulong kay lolo Narding ay ang social media influencer at businessman na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi nito ang larawan at pangalan ng lalaking nagpakulong umano sa matanda.
“Robert Hong, truck driver at caretaker ng lupa na katabi ng property ni Lolo Narding. Apat na beses silang nagharap sa barangay. Hindi nagkasundo. Tinuluyan si Lolo Narding at hindi pumayag na makipag-areglo para sa kanyang ego,” post ni Xian.
Photo credit: Christian Albert Gaza Facebook page
Samantala, nakalabas na ng kulungan si lolo Narding matapos umanong mag-ambagan ang mga pulis sa nasabing presinto upang mabayaran ang piyansa ni lolo.
Lolo Narding / Photo credit to the owner
Lolo Narding / Photo credit to the owner
Ngunit para kay Xian ay “damage control” lang umano ang ginawa ng mga pulis. Aniya, kung hindi pa raw nag-viral ang balita patungkol kay lolo Narding ay baka mabulok na ito sa kulungan.
“NAG-VIRAL SA SOCIAL MEDIA ANG KASO NI LOLO NARDING KAYA ANG GINAWA NG PNP ASINGAN KAHAPON EH SILA ANG NAGBAYAD NG PIYANSA PARA HINDI MAGALIT SA KANILA ANG MGA PILIPINONG NAKIKI-SIMPATYA SA MATANDA. DAMAGE CONTROL KUMBAGA,” sabi ni Xian.
Dagdag pa niya, dahil sa ginawa ng mga pulis ay sila ngayon ang bida sa paningin ng mga tao.
“SILA NGAYON ANG BIDA SA MATA NG MADLA. KUNG HINDI PA ITO NAG-TRENDING SA FACEBOOK KAHAPON AY BAKA NAMATAY NA LANG SA LOOB NG SELDA ANG KAWAWANG LOLO NA OCHENTA ANYOS.”
Dumagsa naman ang tulong at pagsuporta kay lolo Narding mula sa mga netizens. Maging ang aktres na si Ryza Cenon at si kuya Kim Atienza ay nais magpaabot ng tulong sa matanda.
Ani Ryza, siya na lamang ang magbabayad ng piyansa ni Floro na inaresto sa kanyang bahay noong Enero 13.
Ryza Cenon / Photo credit to the owner
Ryza Cenon / Photo credit to the owner
Sinabi ni Ryza na awang-awa siya sa matanda lalo na nang malaman niya na gusto na nitong makauwi ng bahay.
Tinangkang makipag-ugnayan ng handler ni Ryza na si Caryl Ann Paraico sa mga pulis-Asingan nitong Miyerkules ng gabi pero wala raw sumasagot sa police station.
“I would like to pay for his bail and legal services. How may I get in touch with Lolo? This makes my blood boil. Back to you guys. seriously,” komento naman ni Kuya Kim sa Philippine Star’s Facebook post.
***
Source: Christian Albert Gaza | Facebook