Larawan mula kay Rhyan Zamora |
Isa sa mga pinaka-paboritong kinakain ng mga pang masang Pinoy ang mga lutong ihaw-ihaw. Hinahanap-hanap ang masasarap na mga nakakahiligang parte ng baboy at manok at ang naiiba nitong sarap na mga sawsawan.
Mabenta sa lahat ang isaw ng manok, dahil bukod sa ito ang pinakamura ay tiyak namang matatakam at mabubusog kang talaga.
Ngunit marami din ang mga may agam-agam sa pagkain ng isaw ng manok, lalo na kung hindi ito nalinisan ng maayos at hindi magaling ang pagkaluto ay pandidirihan mo rin.
Katulad nalang ng naging post ng isang netizen na si Rhyan Zamora na mahilig kumain ng isaw na nabibili lamang sa gilid ng daan kung saan hindi niya maiwasang pandirihan ang pagkahanda at pagkalinis ng pagkaing inorder nila.
Larawan mula kay Rhyan Zamora |
Katulad nalang ng naging post ng isang netizen na si Rhyan Zamora na mahilig kumain ng isaw na nabibili lamang sa gilid ng daan kung saan hindi niya maiwasang pandirihan ang pagkahanda at pagkalinis ng pagkaing inorder nila.
Hindi maiwasan ni Rhyan maglabas ng kanyang pagkadismaya sa nakitang dumi sa loob ng isaw ng manok, kaya pala ito malaki at matataba, puro pala patuka ng manok ang nasa loob.
Narito ang kanyang buong post:
Kung magbebenta man kayo ng inihaw na Isaw, wag naman sanang kayo maging balahura.
Napakatamad niyo naman maglinis. Hindi niyo man lang iniisip ang mga bumibili. Meron pang mga pagkaing patuka ng mga manok sa loob, malalaki pa. Linisan niyo man lang sana ulit bago niyo timplahan at tuhugin.
Larawan mula kay Rhyan Zamora |
Larawan mula kay Rhyan Zamora |
Ako ang nandidiri sa style niyo. Wala na ngang lasa ang pagka templa (Yes, masasabi kong wala talagang siyang lasa kasi nakakain nadin kami diyan. Chicken wings ang pinaluto ko pero wala talagang kalasa-lasa, hilaw pa ang pagkaluto)
Hindi naman lahat BBQ-han, pero meron talaga isa jan.
***
Source: Rhyan Zamora
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!