Kwento ng dating gastador na naging disiplinado para makapag ipon, hinangaan ng netizens. - The Daily Sentry


Kwento ng dating gastador na naging disiplinado para makapag ipon, hinangaan ng netizens.



Disiplina ang naging daan ng netizen na si Charlene Toh upang makapag ipon para sa mga pinapangarap nila ng kaniyang partner na si Dec Santiago.

Ibinahagi ni Charlene sa kaniyang Facebook account na madalas siyang nae-engganyo na mag ipon tuwing nakakakita ng mga tipid challenge at mga inspiring posts mula sa finance expert na si Chinkee Tan.




Aminado si Charlene na dati ay hindi ganoon kalaki ang kaniyang income kaya kung may naiipon man siya ay eksakto lang. Dagdag pa ang hilig nitong gumastos at magbigay ng mga regalo.

"I must admit, gastador talaga ko, tapos ang hilig ko pa magbigay at magregalo."

Laking pasasalamat niya naman dahil sa tulong ng kaniyang partner na si Dec ay natuto siyang maging masinop at maglaan para sa kanilang kinabukasan.

Charlene Toh | Facebook

Charlene Toh | Facebook


Ang dating gastador na si Charlene ay nagsimulang maging disiplinado kasabay ng pagdating ng maraming oportunidad at magandang takbo ng negosyo kaya unti-unting nakakapagtabi na ito ng sapat na pera.

"Walang target amount, basta lagay lang ng lagay. Wala naman sa laki o liit yan, kasi I believe na di mabubuo yung 10 pesos kung kulang ng piso (laughing emoji) basta yun!"

Charlene Toh | Facebook

Charlene Toh | Facebook


Nagsimula sina Charlene noong nakaraang taon eksaktong January 1 2021. Bumili ito ng alkansiyang yari sa salamin na hindi basta bastang nabubuksan para masigurong hindi magagalaw ang kanilang ipon.

Marami man ang gastusin ay hindi ito pumalya na maglagay sa kaniyang alkansya. Araw araw niya itong nilalakipan ng hindi bababa sa 20 pesos at minsa'y naglalagay din ng baryang pampahiyang.

Charlene Toh | Facebook


Charlene Toh | Facebook



"nakakita ako ng alkansya bago matapos yung taon December 2020,"

"Nagstart ako January 1, 2021 yun. Sabi ko bahala na sana mapuno. Then ayun, araw araw naghuhulog ako. Lowest is 20, nilagyan ko lang ng coins, pampahiyang, (laughing emoji)"

"Lagay lang ng lagay everyday. Ang daming gastos, build, maintainance ng bahay, business things and everything, pero nakaset talaga sakin na kailangan maglagay ako araw araw."

Charlene Toh | Facebook

Charlene Toh | Facebook


"Kapag talaga may gusto ka, wag ka na magdalawang isip, go na yan, push na yan! Wala sa laki o liit yan ng naitatabi mo, mahalaga may nakatabi ka."

"Gastador man sa inyong paningin, nakakaipon pa din."

Labis ang tuwa nina Charlene at Dec matapos mapag tagumpayan ang isang taong pag iipon, plano naman nilang doblehin pa ang kanilang maitatabing pera ngayong 2022.