Ano kaya ang mararamdaman ng isang kandidatong tumatakbo bilang public servant kung maging ang kanyang buong pamilya kabilang ang asawa ay hindi siya ibinoto?
Sa ating pagtakbo sa gobyerno ay inaasahan nating iboboto tayo ng ating pamilya, kamag-anak at mga malalapit na kaibigan.
Kaya naman napakasakit para sa atin kung malalaman nating hindi tayo ibinoto ng ating mga mahal sa buhay.
Katulad na lamang ng isang lalaki mula sa bansang India na naiyak na lamang matapos malamang siya lamang ang nag-iisang bumoto sa kanyang sarili.
Labis na pagkalungkot at pagkagalit ang naramdaman ni Santosh Halpati matapos malamang hindi siya ibinoto ng kanyang mga mahal sa buhay.
Si Halpati ay kandidato bilang Sarpanch (barangay chairman) mula sa Chharwala village sa Vapi District ng Gujarat, India.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Dahil dito ay inaasahan niyang kahit papaano ay sigurado na siyang may makukuhang boto mula sa asawa at iba pang kamag-anak.
Subalit nang matapos ang bilangan ng balota ay nanlumo si Halpati sa naging resulta. Wala kahit isang kaanak niya ang bumoto sa kanya bilang bagong Sarpanch ng kanilang lugar.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Hindi daw siya nalungkot dahil natalo sa eleksyon. Ang masakit daw ay wala sa isandosenang kamag-anak ang nagtiwala at naniwala sa kanya.
Photo credit to the owner
Samantala, dito sa Pilipinas ay ramdam na ramdam na ang init ng eleksyon para sa National and Local Elections na gaganapin sa darating na Mayo.
Photo credit: Business Mirror
***
Source: News Presenter