Janitor na nagpursige sa pag-aaral, grumaduate sa La Salle - The Daily Sentry


Janitor na nagpursige sa pag-aaral, grumaduate sa La Salle



Hindi naging hadlang kay Emmanuel Ricalde, 38, ang kanyang edad upang makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang pangarap ng kanyang mga anak para sa kanya na magkaroon ng degree.
Photo from Nobledrift

Naalala ni Emmanuel ang malungkot na pangyayari noong umiyak ang kanyang anim na taong gulang na anak sa pagkakaalam na janitor ‘lamang’ ang kanyang ama.

Ayon kay Emmanuel, tinanong siya ng kanyang anak kung ano ang kanyang trabaho, proud na sagot niya ay “Janitor.” Kahit proud si Ricalde, ang kanyang anak naman ay hindi.

Ang akala ng kanyang mga anak ay maganda ang trabaho ng kanila ama katulad ng mga magulang ng kanilang mga kalaro.

Alam ni Emmanuel na walang masama sa pagiging janitor, ngunit alam din niyang hindi lang ito ang kaya niyang gawin. Sa tingin ni Emmanuel ay hindi pa huli ang lahat upang makamit niya ang kanyang pangarap na makapagtapos at makamit ang pangarap ng kanyang mga anak para sa kanya, ang magkaroon ng diploma.

Taong 2014 ng ma-assign na janitor sa Emmanuel De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB).
Emmanuel Ricalde /  Photo from Inquirer
 Emmanuel Ricalde /  Photo from Inquirer
Emmanuel Ricalde /  Photo from Inquirer

Hindi pinalagpas ni Emmanuel ng malaman niyang ang paaralan na kanyang pinapasukan ay mayroong scholarship program para sa mga mahihirap pero deserving na mga studyante.

Ngunit hindi naging madali ang lahat para kay Emmanuel.

Araw-araw, kailangan niyang gumising ng 3am para hindi ito ma-late sa 4:45am na briefing sa kanyang trabaho. Magtatrabaho siya hanggang 2pm. Sa pagitan naman ng 2pm at 6pm ay ang kanyang free time upang gawin ang kanyang mga assignments. 6pm to 9pm naman ang kanyang klase.

Madalas din ang pangyayaring tulog pa ang kanyang pamilya bago siya umalis ng kanilang tahanan at tulog na ang mga ito pagkauwi niya.

Mas naging mahirap pa ang kanyang kinaharap noong kinailangang umuwi ng kanyang asawang si Maricar sa Bacolod upang alagaan ang kanyang may sakit na ina. Sinama ni Maricar ang kanilang mga anak sa kanyang pag-uwi.

Ang pagkalayo ng kanyang pamilya ay hindi naging madali para kay Emmanuel, ngunit tiniis niya ito upang makamit ang kanyang pangarap.

Sa huling taon ng kanyang pag-aaral, nakilala ni Emmanuel si Karl, 27 years old na kanya ring naging best friend at partner sa thesis. Parehas ang kanilang pangarap. Madalas ay si Karl ang gumagastos para sa kanilang thesis dahil sa kakulangan ng kanyang pera. Kahit mas bata si Karl ay parang mas kuya ang tingin ni Emmanuel sa kanya.

Ngunit sa kasamaang palad, namatay si Karl ilang buwan bago ang kanilang graduation dahil sa isang sakit. Parang dinagukan ng tadhana si Emmanuel.

Ngunit hindi nagpatalo si Emmanuel sa pagsubok na ito. Sa wakas, gru-maduate si Emmanuel sa kursong Bachelor of Science in Business Administration diploma, major in Business Management.
Emmanuel Ricalde /  Photo from Inquirer

Ngayong college graduate na si Emmanuel, pinapanalangin niyang makahanap na siya ng magandang trabaho at makasama ang kanyang buong pamilya.

“Yung pangarap mo, wag mo iwawala. Lagi mong isipin na may pag-asa at kapag hawak at nasa kamay mo na ang opportunity, pag-ingatan mo na yan,” sabi ni Emmanuel. 


***