Isang pinay na pinalayas noon ng amo, isa nang sikat na fashion designer ngayon sa Canada - The Daily Sentry


Isang pinay na pinalayas noon ng amo, isa nang sikat na fashion designer ngayon sa Canada






Isang Pilipina ngayon ang namamayagpag sa bansang Canada sa larangan ng fashion design. Siya ay si Genette Mujar, at proud owner at CEO ng Gnetz Design, ang clothing line na kanyang pinaghirapang itayo sa nasabing bansa.


Pero bago siya nakilala sa pagdidisenyo ng mga damit ay nag trabaho muna siya bilang isang caregiver.



Si Genette ay tubong Daraga, Albay at nag aral sa Bicol University. Bata pa lang daw ay mahilig na siyang mag style ng mga damit at pangarap na niya ang fashion design, ngunit dahil marami silang magkakapatid, hindi siya nakapag tapos sa kursong ito.


“Maraming nagtataka kung paano ko nagawa ‘yung transition from caregiver to fashion designing. At sabi ko, it's been my passion ever since. Naantala lang kasi syempre, hindi tayo kasing yaman ng iba,” ayon kay Genette sa isang panayam ng Summit OG


“Ang ginagawa ko na lang, since I am the third girl in the family, sa lahat ng pinagliitan nila, iyon ang sinasalo ko.


“Sometimes may mga punit na, outdated na, so, nire-restyle ko siya. And kailangan kong matutong manahi sa manual machine ng nanay ko. 



Larawan mula kay Genette Mujar


“Estudyante pa lang ako, sumasali na ako sa mga prestigious fashion shows.” Pag babalik-tanaw ni Genette



At dahil agaw-pansin ang kanyang style ay nagtatanong ang kanyang mga ka-klase noon kung saan niya nabili ang kanyang mga damit, at ang kanyang sinasagot sa kanila ay "It's from Gnetz," , at dito nga nag mula ang pangalan ng kanyang brand.


Pansalamantala muna niyang isinantabi ang kanyang pangarap upang makipag sapalaran sa ibang bansa para sa kanyang mga anak, ngunit hindi daw ito naging madali.


Naranasan niyang mag trabaho sa Taiwan at saka lumipat ng Hong Kong, kung saan naman ay naranasan pa niyang palayasin ng kanyang amo.


“Yung family na napuntahan ko, pagtatrabahuhin ako mula alas sais hanggang alas diyes ng gabi. 



Larawan mula kay Genette Mujar


“Tapos, noong kinuwestyun ko sila kung bakit yun lang ang na-receive kong suweldo noong first month, nagalit sila.


“Hatinggabi pinalayas ako...” emosyonal na kwento ni Genette


Mabuti nalang daw at mayroon siyang kakilala doon na sumundo sa kanya sa gilid ng kalsada.


At noong 2007 nga ay lumipat siya sa bansang Canada at doon nag simulang mag trabaho bilang isang Caregiver.



Kwento pa ni Genette, ang kanyang kinikita noon ay sapat lang talaga upang tustusan ang kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas. Gayunpaman, sinikap niyang panatilihing buhay ang kanyang pagkahilig sa pagdidisenyo ng damit.


Madalas daw siyang pumunta noon sa mga thrift stores para maghanap ng mga lumang style na damit at iyon naman ang kanyang ire-restyle.


“Noong nag caregiver ako, I loved all the kids kasi ginagawa ko silang fashionistas.” Aniya


Larawan mula kay Genette Mujar


At matapos ang ilang taon nag pagsusumikap, nagpasya siyang ituloy ang naudlot na pangarap. Kumuha umano siya ng loan upang maipang bayad sa gastusin sa kanyang pag aaral ng fashion design sa Canada.


At habang nag aaral siya noon ay maraming part-time job ang kanyang pinasok upang kumita ng extra.


“Kahit anong trabaho, mga part time, cleaning, cooking, babysitting tinatanggap ko. There was a time I worked in nine families. Takbo dito, takbo doon.”kwento ni Genette


At kahit maraming hirap ang kanyang napag daanan, aniya, wala siyang pinag sisihan sa kanyang mga naging desisyon at ito umano ang pinaka magandang nangyari sa kanyang buhay. 



“Magaan ang pananahi, nabago nito ‘yung buhay ko. Wala akong pinagsisisihan. I’m so grateful. Ito ‘yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko–na mabigyan ako ng chance na makapag aral, na-recognize ako ng mga tao.”



Larawan mula kay Genette Mujar


Ang kahanga-hangang kwento ng tagumpay ni Genette ay nagpapatunay na anuman ang iyong edad, kung ikaw ay magsusumikap, siguradong makakamit mo ang iyong pangarap at tagumpay na inaasam. *