Larawan mula sa video ni Talampas sa kanyang Instagram |
Isang Filipino ang nagviral noong 2021 dahil sa kanyang obra
maestra na naglalarawan ng "The Last Shot" – ang iconic
title-clincher ni Jordan sa Game 6 ng 1998 NBA Finals laban sa Utah Jazz.
Ang naturang art work ay gawa ni Christian Oliver Talampas,
isang self-taught pen at charcoal artist na sumikat sa tiktok.
Ginawa ni Talampas ang kanyang obra dahil sa kanyang labis na
paghanga sa alamat ng Chicago Bull na masasabing pinaka magaling na manlalaro
sa larangan ng basketball.
"Idol ko si MJ since eight years old ako [back in
1990]. Gusto ko siya bigyan ng tribute at the same time, gusto ko i-challenge
sarili ko kung hanggang saan ko kaya ma-push ang skills ko sa pag guhit," ayon
pa kay Talampas noong una siyang kapanayamin
ng Yahoo Philippines
Gumugugol umano si Talampas ng 10 kada araw oras sa loob ng
72 araw upang tapusin ang kanyang likha para sa idolo.
Ang kanyang dedikasyon sa kanyang craft ay halos
maihahalintulad kay Jordan, isang masigasig na workhorse sa kanyang kalakasan.
Ayon pa kay Talampas noon, hindi umano siya titigil sa
pagbabahagi ng kanyang obra hangga't hindi si Jordan mismo ang makakapansin sa
likhang sining para sa iniidolo. *
Larawan mula kay Chirstian Talampas |
At nitong Enero 2022 na nga ay nabigyang katuparan ang pangarap
ng artist na mapansin ng kanyang iniidolong manlalaro.
Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA, Nakita umano ni Bryan
Apodaca, isang kolektor mula sa Amerika, ang likha ni Talampas at
nakipag-ugnayan sa kampo ni Jordan para sa kanya.
"Hiningi ni Michael Jordan 'yung original artwork ko
dahil nagustuhan," pagbahahagi ni Talampas "Agad-agad sir pinadala ko
agad talaga."
Laking tuwa niya nang ibalik sa kanya ang kanyang obra na
may autograph na ni Jordan. Ipinadala rin sa kanya ang larawan ni Jordan na
pumirma sa kanyang likha.
Bukod sa autograph, nakatanggap din si Talampas ng shirt at
playing cards na ginamit mismo ni MJ.
"Ang hirap paniwalaan. Ang ine-expect ko nga, gusto ko
sana picture man lang na hawak niya pero sobra-sobra 'yung binigay niya,"
"Sabi nila makakatulong daw 'to sa career ko as an
artist." Aniya
Para kay Talampas, katunayan lang na napansin ni MJ ang
kanyang tribute para dito ay napakahalaga na sa kanya.
Hinimok rin niya ang iba pa na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy
na mag tiwala sa sarili.
"'Wag kayong mawawalan ng pag-asa na magtiwala sa
sarili n'yo, na maniwala kahit wala nang naniniwala sa 'yo," aniya