Walang imposible sa taong may mga pangarap. Walang hindi kayang abutin sa taong madiskarte at determinadong umangat sa buhay.
Minsan hindi sapat na sasabihing dahil lang sa hirap ng buhay ay hihinto ka na sa mga pinapangarap mo, kailangang samahan ito ng pagkilos at pagsusumikap upang kahit sa unti-unti ay makakapagsimula ng hakbang, hindi man lahat agad-agad nakukuha ang mahalaga ay hindi ka sumusuko.
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio |
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio |
"Isa po akong fishball vendor..nagbunga po ang aking pinaghirapan😊🙏🙏🙏konti nlang po matatapos na❤️," hindi maitagong saya ni Michael sa kanyang post.
Aminadong hindi naging madali para sa kanya ang pagpapatayo ng bahay lalo pat tanging pagtitinda lang ng fish ball ang inaasahan niya. Kaya nagtiis at nagsakripisyo, kahit pa inabot na siya ng maraming taon upang pag-ipunan ang pinapangarap niyang bahay. Malaking ring tulong sa kanya ang pag-iwas niya sa mga masasamang bisyo.
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio |
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio |
"Umabot din po ng mahigit 500k..hindi po masyadong finish sir medjo maliit po space, 2 bedroom po sa taas 17x26po laki,"
Patunay ang walang kapantay na pagpupursige at kasipagan ni Michael sa buhay at kahit pa sa pabarya-baryang kita niya sa araw-araw, determinado itong tuparin ang pangarap, inabot man ng ilang taon, ngayo'y paunti-unti niya ng inaani ang mga magagandang bunga ng kanyang pagsisikap.
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio |
Larawan mula kay Michael Gripal Relucio |
Marami rin sa mga netizens ang humanga at naging inspirasyon ang naabot na malaking tagumpay ni Michael sa buhay, at umaasa na balang araw ay makakamit rin nila ang kanilang patuloy na pinagtatrabahuang mga pangarap.