Isang electrician, sampung araw na naglakad mula sa Sorsogon hanggang Daraga,Albay matapos maloko at iwanan nang walang sahod - The Daily Sentry


Isang electrician, sampung araw na naglakad mula sa Sorsogon hanggang Daraga,Albay matapos maloko at iwanan nang walang sahod




Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay  PPO


Kaawaa-awa ang sinapit ng isang lalaki matapos matagpuan ng mga Pulis sa Daraga, Sorsogon na nakaupo sa tabi ng kalsada, mukhang pagod na pagod at may dalang karton na naglalaman ng kanyang mga pinagdaanan at mga hinaing.

 

Sampung araw na umanong naglalakad ang lalaking ito para makauwi na sa kanilang probinsya sa Oriental Mindoro. *


 

Ayon sa tauhan ng Daraga Police, nakita nila nitong Martes Enero  4, ang isang lalaki na nagpakilala sa kanila na si Justine Chua, 42 at isang electrician at residente ng San Antonio, Gloria, Oriental Mindoro base na rin sa mga dokumentong pinakita nito.

 

Kwento pa ng lalaki, napilitan na syang maglakad sa loob ng sampung araw para lamang makauwi na sa kanilang bahay sa Gloria, Oriental Mindoro matapos siyang lokohin ng contractor na kumontrata sa kanya.

 

Aniya, nagpunta sila sa bayan ng Sorsogon noong Oktubre 2021 kasama ang kanyang contractor para mag trabaho sa isang construction umano ng building ng isang kilalang fastfood chain.

 

Subalit bago magtapos ang Disyembre ay iniwan sya ng nasabing contractor na nag-hire sa kanya at hindi binigay ang kanyang sahod matapos syang magtrabaho ng tatlong buwan dito. *


 

Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay ppo


At dahil umano sa wala syang mahingan ng tulong sa Sorsogon kaya nagpasya na siyang umalis at maglakad ng sampung araw upang makatipid hanggang makarating na nga sya sa bayan ng Daraga, Albay.

 

Naabutan nina Staff Sgt. Diane Lubiano at Cpl. Melrose Ansano ng Daraga police ang kaawa-awang electrician sa tabi ng kalsada, at agad namang humingi ito ng tulong sa kanila.

 

Ayon pa sa mga pulis, may hawak na malaking piraso ng karton si Chua na may nakasulat ang wari’y kaniyang mga pinagdaanan at hinaing matapos lokohin ng kaniyang contractor.

 

Agad namang binigyan nina Lubiano at Ansano si ginoong Chua ng pagkain, inumin, gamot at damit matapos upang maibsan ang gutom nito.


 

Maging ang mga personal na gamit ni PCMS Ma. Cherry Abion, na walang pag-aalinlangang ibinigay na kay Chua, upang magkaroon sya ng gagamitin sa kanyang pagbalik sa kanilang probinsya. *

 

Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay ppo


Sinamahan na din nila ang electrician sa tanggapan ng Albay Public Safety Management Office kung saan nabigyan din ito ng tulong pinansyal na kaniyang ginamit pauwi ng Oriental Mindoro.

 

Hinatid na din ng mga tauhan ng pulisya si Chua sa terminal ng bus upang ligtas na makauwi sa kaniyang probinsya sa Oriental Mindoro.

 

Masayang masaya si Chua at taos pusong nagpapasalamat sa dedikasyon at malasakit na ipinakita sa kanya ng mga tauhan ng Daraga Police na kung di dahil sa kanila ay marahil patuloy pa rin sa paglalakbay ang lalaking ito.


 

Nais lamang na makapagtrabaho ng marangal ang ating kababayan kahit maliit na katumbas lang ang kita para may maiuwi sa kanyang mga mahal sa buhay.

 

Ngunit may mga ibang tao talaga na walang mga awa at tinakasan na din ng kanilang konsensya. Paano nila naaatim matulog sa gabi sa kabila ng pangloloko nila sa kanilang kapwa. *

 

 

Photo credits courtesy of Facebook @Daraga MPS Albay ppo