Photos courtesy of Facebook santander @RMA News |
Tunay ngang pinatunayan ng isang policewoman ang kanyang pagiging isang dog lover. Kahit na talaga namang nasa bingit ng panganib ay buong tapang nitong sinagip ang isang aso mula sa nasusunog na gusali.
Ayon sa balita ng RMA News, iniligtas ni Patrolwoman Mona Lee Saludar ang isang limang taong itim na Labrador retriever mula sa nagliliyab na resort nitong Lunes ng hapon sa Barangay Liloan, Santander, Cebu. *
Sa salaysay ni Patrolwoman Saludar, bandang 2 pm ay nakatanggap sila ng tawag tungkol sa nagaganap na sunog malapit sa kanilang istasyon.
Agad naman silang rumisponde sa lugar at nang kanilang maabutan ay halos nagugupo na ng apoy ikalawang palapag ng resort dahil na din sa gawa ito mula sa mga materyales na madaling masunog.
Nagmula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali kung saan ay naroon din ang dalawa pang aso na poodle at shi tzu na alaga din ng may ari.
Agad na nagtanong si PAT Saludar sa mga empleyado ng nasabing resort kung mayroon pang ibang na-trapped sa loob ng building. Sinabi naman ng mga staff ng resort na naiwan pa sa loob ang alaga nilang itim na labrador retiriever na aso.
Dahil sa kumalat na ang apoy kaya hindi na kaya pang balikan at sagipin ng mga empleyado ang kaawa-awang aso, kaya naman nagpasya si Saludar na sagipin ito. *
Photos courtesy of Facebook @RMA News |
"Nagsabi ako sa mga kasamahan ko na papasok ako sa loob ng resort at sasagipin ko yung aso. Sinabihan nila ako na wag ng pumasok sa loob ng building dahil baka magcollapsed na ang second floor. Pero hindi ko talaga matatanggap sa puso ko na hayaan na lang masunog yung aso." Paliwanag ni Saludar.
Kaya naman kahit alam nyang lubhang mapanganib ito, dahil maaring bumagsak na ang ikalawang palapag, ay posibleng matabunan sila nito. Ngunit buo ang loob nyang sagipin ang aso sa kabila ng naka-ambang panganib.
Nang makapasok sya sa loob ng building nakita nya ang aso na si Deabak, na nakaupo sa ilalim ng lamesa at tila takot na takot. Agad nyang hinawakan sa collar ang aso.
Nung una ay ayaw pang sumama ang aso sa kanya dahil sa nerbyos, pero agad nya itong niyakap at sinabi nya kay Deabak na kailangan nilang lumabas dito para makaligtas silang pareho.*
Photos courtesy of Facebook @RMA News |
Tila naintindihan ng aso ang sinabi ng policewoman, at agad itong tumayo at sumanod sa kanya papalabas ng gusali.
Si Deabak, labrador retriever, ay isa sa tatlong alagang aso ng may ari ng nasabing resort na sina Sim Sunbo and Han Eun Kyeung, na mga Korean nationals.
Nang nasa ligtas na lugar na sila, ay binigyan nya ng inuming tubig ang aso at kanya ring binasa ang katawan nito para mahimasmasan at malamigan ang pakiramdam.
Dumating naman ang mag-asawang Koreano sa kanilang resort ilang oras matapos maapula ang apoy, at tuwang tuwa ang mag-asawa nang makitang ligtas at buhay ang kanilang mga alaga. Patuloy pa din ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog na umaabot sa 1.5 milyong piso ang nasirang kagamitan.
Labis ang kagalakan na nadadama ni Patrolwoman Mona Lee Saludar dahil nailigtas nya ang kawawang nilalang na marahil sa iba ay iisipin na isang aso lamang ito. *
Photos courtesy of Facebook @RMA News |
Ngunit para kay Pat. Saludar, na isang tunay na dog lover at maging ang kanyang mga kaanak, ay itinuturing nilang parte ng pamilya ang kanilang mga alagang aso at kailan man ay hindi nila maatim na iwanan at masaktan ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay may maraming alagang aso si Pat Saludar, may dalawang huskies, isang labrador, isang Shi Tzu-Poodle at lima pang aspin o asong pinoy. Patunay lamang ito na isa syang totoong mapagmahal sa mga aso kaya naman walang alinlangang iniligtas nya si Deabak sa kamatayan.
Nawa'y pamarisan din ng ibang kapulisan ang ginawang kabayanihan na ipinakita PAT Mona Lee Saludar ng Santander Police na handang gampanan ang tungkulin ng walang pinipili, mapa tao man o mapa hayop. Mabuhay po kayo PAT Mona Lee Saludar! Saludo po kami sa inyo! *
Photo courtesy of Facebook @Monalee Saludar |