Larawan mula sa post ni Joy Ruth Mallari Cortes |
Isang netizen ang nagbahagi ng kahabag-habag na kalagayan ng
kambal na sanggol mula sa Rodriguez, Rizal na tanging dinurog na saging ang
pinapakain ng ina dahil wala umano itong perang pang bili ng gatas ng mga anak.
Ang kalagayan ng mag-iina ay ibinahagi ng netizen na si Joy
Ruth Mallari Cortes upang makahingi ng tulong.
Larawan mula sa post ni Joy Ruth Mallari Cortes |
Nanawagan ng donasyon si Joy na mabigyan ng gatas ang mga
sanggol dahil sa saging lang ang naipapakain ng ina sa mga ito.
“Sa mga nagbibigay po ng milk dyan bka nmn po pwede bigyan
si baby dinurog na saging lng po pinapakain ng nanay dahil wala npong gatas may
kumupkop po sa kanila concerned citizen dahil po binaha cla walang naisalba
kambal po cla.” Ayon sa caption ng post ni Joy
Hangga’t maaari ay mas mainam na gatas ng ina para sa sanggol
sapagkat napakaraming mahahalagang sustansya ang makukuha dito.
Larawan mula sa post ni Joy Ruth Mallari Cortes |
Ang gatas ng ina ay nakakatulong na mapanatiling malusog ang
sanggol at nagibibigay din ito ng lahat ng
kinakailangang sustansya sa tamang sukat.
Larawan mula sa Google (ctto) |
Ngunit maraming ina ang hindi kayang mag bigay ng gatas sa
mga sanggol nila, kaya naman kailangan ng formulated milk bilang pamalit. Ngunit,
dahil may kamahalan ang gatas, may mga magulang na humahanap ng ibang pamalit
para makain ng kanilang mga anak.
Sana ay marami ang tumulong sa ina upang lumaking malusog at
maayos ang kanyang kambal na sanggol.