Walang makakapantay sa pagmamahal ng mga Nanay para sa kanyang pamilya at mga anak. Handang gawin lahat at kayang tiisin ang mga pagsasakripisyo sa sarili maibigay lang ang pangangailangan at hinihingi ng mga anak.
Marami rin sa mga ilaw ng tahanan ang mas piniling mangibang bansa, kahit masakit para sa kanila ang mawalay sa pamilya, tinitiis ito kasama ng lahat ng paghihirap, kalungkutan at pangungulila. Kahit wala ng matira sa sarili, lahat para sa mga naiwang pamilya.
Nag trending ang isang Nanay ngayon sa social media na si Bernadette Daquel Montaneil, nagtatrabaho bilang domestic helper sa Bahrain. Wala ng mas masakit pa sa kanyang dinanas na imbes mahalin at pahalagahan ng pamilya ang bawat butil ng pawis sa pagod at puyat niya sa pagpapaalipin sa ibang bansa ay sila pa mismo ang may lakas ng loob upang ireklamo ang sariling Ina.
Inireklamo siya ng kanyang asawa niya na si Norman Reondangga, isang caretaker at ng panganay na anak na si Jerald Reondangga, delivery rider dahil sa umano sa pagpapabaya at kulang ang mga pinapadala nitong pera para sa kanilang magkakapatid.
"Tungkol dun sa sinasabi ng anak ko, na reklamo niya about sa padala ko, alam niyo pong DH (Domestic Helper) lang ako, hindi po ako Doktor dito so ang sahod ko po ay minimum lang," paliwanag ni Nanay Bernadette sa panayam niya sa taga Raffy Tulfo in Action.
"At hind po totoo yung sinabi niya na hindi ako nagpapadala, dahil hawak ko po lahat ng mga resibo. Simulat-simula 2017 hanggang ngayon. Pwera pa sa Gcash, pwera pa sa mga pinapadala ng mga magulang ko kapag nag-uutos ako sa magulang ko," dagdag nito.
Halos wala na umano siyang naititira sa sahod niya para sa sarili, basta ang importante ay meron lang siyang maipapadala sa mga pangangailangan ng mga anak buwan-buwan.
"Pagpapalagay na nating pumapalya ako sa buwan, dahil po marami akong binabayaran. Gaya ng motor para sa anak ko, at sa tricycle na tatlong taon ko pong hinuhulugan,"
"Tapos po ang mga cellphone po nila ni-loan ko, tig-iisa sila. Sampung libo ang isa. Pag gusto nila mag-shopee, magsesend ako ng 1000 dahil gusto nilang bumili ng damit,"
"Kaya sobrang sakit sa akin na hindi ako nagpapadala, andito po lahat ng mga latest ko na mga resibo at mga Gcash na resibo,"
Ikinakasama din umano ng loob ng anak niya ang sinasabing hindi niya pagpapadala noong kaarawan nito dahil ang gusto nila'y bonggang selebrasyon dahil may mga mga bisita.
"Minsan po pagka Birthday po nila, sinasabing hindi ako nagpapadala,"
"Ito po, gusto po nila magpapadala ako ng pera dahil bongga ang Birthday nila, may videoke, may mga barkadang umiinom tama po ba yun? Kada magbibirthday sila, lahat sila nagkakaron sa akin, maibigay ko lang ang gusto nila,"
"Kaya masakit para sa akin ung mga binibintang nila. Kahit ako halos wala ng natitira. dahil ibinabayad ko sa mga utang. May mga magulang din po ako na sinusuportahan,"
Dumipensa naman ang nagreklamong panganay na anak na pahirapan pa sa kanya ang humingi ng panghanda sa kaarawan niya.
"Totoo pong may motor. Pero nung nagbirthday po ako, hirap ko pa po hingin yan sa magulang ko kasi niya daw po yung nagastos niyan. Pero sa motor na yan, sinabihan po ako ni Mama na sana daw po alagaan ako ng motor, ibig sabbihin po niyan pinapaaksidente niya po ako,"
Pakiusap naman ng kanyang Nanay na sana'y huwag naman sana siyang puwersahin sa lahat ng mga hinihingi lalo na't hindi naman nila alam ang dinanas niyang paghihirap bilang OFW sa middle east.
"Jerald, Ina mo ko, sabihin mo lang ang totoo, please lang. Kahit wag niyo na akong igalang sabihin mo lang ang totoo. Binibigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin,"
"Ang sa akin, birthday okay, kaya kung ibigay pero wag niyo naman akong pwersahin dahil alam niyo kung anong hirap ko dito sa abroad. Hindi niyo kasi nadadanas kung anong hirap ko. Nakikita niyo akong masaya, pero di niyo alam kung anong paghihirap ko,"
"Alam na alam ng mga kapatid mo na nagbibigay ako. Isang araw lang na hindi ko lang naibigay ang gusto mo, pinamedya mo na ako,"
Tila hindi nabibigyan ng halaga kahit kaunting pasasalamat at pagmamahal lahat ng pagsasakripisyo ni Bernadette sa labas ng bansa dahil ang tunay na pinag-uugatan sa lahat ng sama ng loob ng kanyang pamilya at mga anak ay tila kinukwestiyon at kinukumpara nila ang kapasidad niya bilang isang Ina na nag-aabroad na hindi nakapag-ipon at nakapundar ng sarili nilang mga properties.
"Sa totoo lang po Maam, naiinggit sa mga nagtatarabaho na mga Nanay. Kasi po diyan lang po sila sa Manila nagtatrabaho pero po nakapag-ipon sila, nakabili ng sariling lupa, nakapagpatayo ng magagandang bahay,"
"Pero tong bahay na to pinagawa niya po para sa amin, pero nung dumating po yung Ondoy na nawasak tong bahay namin, ngayon lang po napasemento. At tsaka wala pong mga poste, kahit mga kanto-kanto wala pong mga poste,"
"Hindi naman po namin hinihingi lahat ng mga sahod niya. Gusto lang po namin na magkasarili po kami ng lupa, kasi lumalaki na kami. Hindi naman po na habang buhay na nandito lang po kami sa bahay na maliit kasi may babae po kaming kapatid. Gusto ko lang magkaroon ng magandang buhay ang mga kapatid ko,"
Lalo itong nagpalala ng sakit na nararamdaman ni Bernadette ang marining lahat ng ito mula sa sarili niyang anak. Lahat ng kanyang ginagawa ay tila laging kulang para sa kanila.
"Napakaliit lang ng sahod ko. Pasalamat nga kayo may bahay kayo ako walang bahay. Uuwi ako ng Pilipinas wala akong bahay, nag-uupa parin ako. Hindi lahat ng nag-abroad napakaraming ipon, marami akong ipon, resibo. Resibo halos lahat dahil monthly kada sahod ko ipinapadala ko hati-hati walang natitira sa akin. Papano ko kayo maibibili ng bahay,"
***
Source: Tiktok Viral
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!