Walang makakapagsabi sa kung hanggang saan nalang ang itatagal ng buhay ng isang tao dito sa mundo ibabaw. May iba handa na at walang takot harapin ang katotohanan, ngunit marami ring hindi pa ito kayang tanggapin lalo na kung may mga mahal sa buhay na hindi pa kayang iwanan, sa napakaagang panahon.
Buong pusong tiwala at tanggapin lahat ng plano ng Maykapal ika nga, ngunit hindi rin maiiwasan na kung minsan ay mapapatanong ka sa mga bagay at sitwasyon na pinagdadaanan sa kabila ng iyong paniniwala.
Nagpaluha sa karamihan ang isang nakakapanikip damdamin na kwentong ibinahagi ng isang Ama sa natuklasang sulat na iniwan ng yumaong Asawa.
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Laman nito ang pagpapahayag ng punong-puno ng pagmamahal at pasasalamat sa pagiging mabuting asawa at Ama ni Nestor sa kanilang dalawang anak. Ramdam sa bawat baybay ang sakit para sa isang Ina na mamaalam ng maaga para sa kanyang maiiwang mahal ng pamilya.
"I guess this would be the saddest letter I would write for you. Hindi ko naimagine na I would do this, this SOON! Pero I should do this now, hanggat kaya pa,"
"This is hard really! I love you!!! May mga times na I feel bad about myself na I would be living you this soon. Kasi hindi mo deserve yung ganitong heartache,"
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Kahit mahirap ito para kay Gladys, pero alam niyang doon rin ang papunta niya kaya't pinaghandaan niya ito sa pamamagitan ng paghabilin ng isang liham upang ipaalam niya kung gaano niya kamahal ang kanyang maiiwang mag-ama.
Sa isa pang post ni Nestor, noong panahong buhay pa ang kanyang pinakamamahal na asawa ay may naikuwento umano ito sa kanya na may magandang mangyayari sa araw ng 22, hindi rin niya makakalimutan sa mukha ng kanyang asawa ang sobrang saya noong sinasabi ito. Nagagalak rin umano ito sa pagdating ng mismong araw na iyon.
Wala silang kaalam-alam kung anong meron at kung kailan ito mangyarari, hanggat nakita nalang ni Nestor sa journal book ng kanyang Asawa, kung ano ang meron sa araw ng 22.
"I'm gonna tell you a story about God's fulfilled promise. Lagi sya naglo-look forward sa date na 22. All along akala ko January 22, pero wala naman nangyari that date or baka meron hindi nya lang sinabi sa'kin?,"
"Then earlier, nagbasa ko ng journal nya, then it's only now that I realized ano yung God's plan on 22 —
Yung God's plan na sinulat nya sa journal nya.
Yung God's plan na sobra syang excited.
Yung God's plan na hindi lang ako yung pinag kwentuhan nya.
Yung God's plan regarding 22,"
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
"She passed away on the 22nd day of August.
On that day, she went home to be with the Lord.
In God's perfect plan and time.
On the 22nd"
Narito ang kabuung post at mga kalakip na mga larawan:
Day 19:
This is very personal but wanted to share to all of you. She wrote the note on her iphone last December 2019. I was able to unlock it a week ago.
This is the saddest and most beautiful letter/note I've received from you. Ayaw tumigil ng luha ko nung mabasa ko 'to. Akala ko hindi ko mauunlock, Nay! Maraming salamat din sa lahat, someday things will get better, magiging okay din ako — kami.
The link (movie soundtrack — married life) and the quote on the latter part were from one of our favorite movies — Disney Pixar's "UP". Just like the movie, the wife died first. We used to watch the movie together with our daughters and lagi nya sinasabi na same sila ni Ellie.
Di man tayo umabot sa "until we're grey and old" sulit naman yung 15 years natin!
"Thanks for the adventure, now go have a new one". — Ellie/GladysMae
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
Larawan mula kay Nestor Flores Mangila |
***
Source: Nestor Flores Mangila, 2
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!