Gretchen Barretto, nagluto ng instant Pancit Canton gamit ang kaniyang P17,000 na kaldero. - The Daily Sentry


Gretchen Barretto, nagluto ng instant Pancit Canton gamit ang kaniyang P17,000 na kaldero.



Sino nga ba naman ang hindi matatakam sa isa sa mga paboritong pagkain nating mga Pilipino? Ordinaryong araw man o sa kahit ano pa mang okasyon ay laging bida sa mga handaan ang Pancit Canton.

Mapa almusal, tanghalian, meryenda at hapunan ay hindi ito tinatanggihan sa oras na ito'y inilatag sa hapag kainan.




Ito na nga rin malamang ang naging dahilan kung bakit pinagkaguluhan ng mga netizens ang minsa'y pagluto ng sikat na personalidad na si Gretchen Barretto, ng instant pancit canton.

At dahil sa napakamura at talaga namang patok sa masa ang pagkaing ito, marami ang tumaas ang kilay ng ito'y lutuin ni La Greta sa kaniyang live video.

Dahil umano sa ang ginamit na kaldero o lutuan nito ay tinatayang nagkakahalaga ng $330 dollars o mahigit P17,000 libong piso.

Gretchen Barretto

Gretchen Barretto


"This is so yummy! This is the seasoning of Lucky Me Pancit Canton. This is perfect with Spam. I put this 'cause I want my noodles like super moist...see? I put eggs. I want mine very spicy but the others don't want spicy" saad ni Gretchen habang nagluluto.

Madalas ibahagi ng aktres ang kaniyang mga lutong pagkain sa kaniyang social media account na kamakailan nga lang ay gumawa siya ng 'grilled cheese sandwich'.

Gretchen Barretto | Instagram

Gretchen Barretto | Instagram


Ibinahagi rin ng 48-anyos na si Greta ang kaniyang sikreto upang mas lalo pang sumarap ang kaniyang pancit canton.

"Delimondo chili and garlic oil. See I put this? Then I put cayenne [pepper flakes] just because I like it very, very, very chili [spicy]."

Mga karagdagang pampa-anghang sa kaniyang pagkain ang mga tila lalo pang nakakapagpasabik sa trending na meryenda ni Greta.


Gretchen Barretto | Instagram





Source: pep.ph