Food Take Out Viral Story, Gone Wrong?! - The Daily Sentry


Food Take Out Viral Story, Gone Wrong?!



Photo credit to Lorenzo Faraon | Facebook

Hindi mapagkakaila na nakaugalian na ng karamihan sa ating mga Pilipino ang mag-uwi ng tirang pagkain tuwing kakain sa mga restaurants o mag take out, dahil sayang nga naman lalo na kung masarap ang pagkain at mahal ang ibinayad mo dito.

Kadalasan ating inuuwi ang 'leftover' upang maipasalubong sa mga kasama sa bahay o kaya ay iuwi ang pagkain para makain pa kinabukasan. Nakakahiya man sa iba ngunit praktikal naman para sa karamihan dahil ika nga, sinusulit lamang natin ang perang ibinayad sa inorder na pagkain.



Photo grabbed form Google | CTTO

Ngunit paano kaya kung ang pagkaing iyong itinake-out dahil sa sobrang sarap ay mapupunta lamang pala sa alaga mong aso? Paano na ang iyong 'cravings' at libo-libong pisong ibinayad mo dito?

Narito ang isang nakakatuwang pangyayaring naganap sa mag-asawang blogger na sina Dianne Camille at Lorenzo Faraon kung saan sila ay nagtake-out ng pagkain sa isang restaurant ngunit tila pumalpak at talaga namang maaaliw ang sino mang netizen na makakabasa ng kanilang kwento.



Photo credit to Lorenzo Faraon | Facebook

Basahin ang kanilang 'Food Take Out Viral Story' sa ibaba:

"Kahapon kumain kami sa isang kainan. Mejo sosy itong kainan na ito. Yung inorder nming ulam ang sarap. Ang dami ko nakain, busog na kmi pero my tira pang ulam sa platter nmin. hnd ko na maubos kc sobra busog nk, pero ayaw kong i left over kc sayang kc mahal at masarap nmn talaga. At dahil mahal ung knain nmin at sayang kng iiwan lng. Naicp ko ipa take out. Naranasan nyo ba ung gsto nyo mag take out pero nkkhya kc kakaunti nman na ung i ttake out pero gsto mo i take out pero nkkhya ng i take out?hahaha bsta gnyan. So para hnd maxado nkkhya sbi ni misis sbhn ko daw pasalubong sa alaga nming aso. Hahahah so tnwag ko c kuyang waiter, sabi ko bossing sayang ito itake out ko nlng para sa aso nmin. (Pero deep inside pang miryenda sna un nmin pag nagutom sa bahay)

So knuha ni kuyang waiter ung lalagyan, at pag balik nya, sabay sabing “cnmahan ko ndn po ng iba pang tira tira para mas mdami po kau maiuwi sa aso nyo”

Napatulala ako. Ang bgat ng puso ko. Sana cnb ko nlng na pra skn talaga yon hahahaha. Proud pa xa na cnmahan nya ng iba pang tiratira.Sana inubos nlng nmin pala. hahaha."