Dating Labandera at Basurera isa na ngayong Milyonarya; Hirap na pinagdaanan, inspirasyon ng karamihan - The Daily Sentry


Dating Labandera at Basurera isa na ngayong Milyonarya; Hirap na pinagdaanan, inspirasyon ng karamihan




Patuloy lang sa pagsisikap, huwag sukuan ang kahirapang kinakaharap ngayon, ang mga kawalan at ang mga panahong akala'y wala ng pag-asa sa buhay dahil hindi ibig sabihin na kung naghihirap ka man ngayon, bukas at sa mga susunod na yugto ay parehas lang ang kakaharapin mo, hanggat may pangarap kang magtagumpay kasama ng diskarte, determisnasyon at dasal, lahat walang imposible. 


Katulad nalang sa walang kapantay na kahirapan at pait na karanasan ang ibinahagi ng isang dating labandera at basurera at dahil sa kanyang pagpupursige sa buhay ngayo'y donya at milyonarya na. 



Ito ang puno ng inspirasyon na kwento ni Cristel Gardoce Bulabon, 45-taong gulang ang tinaguriang Pinay Cinderella ng Antipolo. Ang dating halos araw-araw na kumakalam ang sikmura dahil sa gutom ngayon labis labis na ang karangyaang tinatamasa.




"Katulad ng lagi kong sinasabi sa tao, Walang taong maghihirap sa taong masikap,"


Mulat siya sa sobrang kahirapan ng buhay nila noon, sa puntong hindi  niya naranasan ang tunay na saya ng isang bata dahil maaga niyang pasan-pasan ang bigat ng responsibilidad para sa kanyang mga kapatid matapos silang iwanan ng mga magulang. 


“I was actually six when they [parents] left, tapos naiwan sa akin ‘yong mga kapatid ko. Second to the eldest ako, kaya lang sa aming magkapatid ako ‘yong tumayong eldest dahil medyo weakling ‘yong brother ko” 


Dahil walang sariling bahay, nakikitira lang silang magkakapatid sa Tiyuhin nito sa Bacolod. Bago pa man umano sila makakakain noon kailangan muna niyang tapusin lahat ng mga gawaing bahay maging ang pag-iigib at pag-pupuno nila sa mga drum-drum na ipunan ng tubig. 


"Pag-oras na kakain na kami, tutong nalang ang naiiwan samin. Para lumambot yun, nilalagyan namin ng tubig na mainit. Yun ang kinakain namin, asin ang ulam,"



Ranas niya ang labis na hirap ngunit mas naaawa siya sa kanyang mga kapatid na kumakalam ang mga sikmura sa gutom kaya naisipan niyang mamasukan bilang taga-hugas ng plato at tindera ng kanilang kapitbahay. 


At nang minsan naabutan niya ang kanyang 2-taong gulang na bunsong kapatid, na nakatali ang leeg sa sintas ng sapatos sa dulo ng mesa dahil nanghihingi umano ito ng maiinom na gatas. 


Hanggang sa hindi niya na matiis ang hirap na kanilang dinaranas araw-araw sa puder ng kanyang Tiyuhin, kaya lumipat silang magkakapatid sa bakanteng kubo ng kapitbahay na saksi rin kung paano sila pahirapan at maltratuhin. 


Imbes na hagakhak, habulan at puro tuwa ang mararanasan nila sa kanilang kamusmusan, maaga nilang natutunan tumayo sa sarili nilang mga paa at pagsisikap. Tumayo bilang Nanay at Tatay si Cristel sa dalawa niyang kapatid, bitbit niya ang mga ito sa tuwing naglalako ng kanyang mga panindang kakanin. 



Binalikan sila ng kanyang mga magulang at dinala sila sa Antipolo at hindi nagtagal ay umulit ulit sa umpisang magkakatapatid dahil iniwan na naman sila ng kanilang mga magulang. 


Hindi na bago kay Cristel ang tumayo mag-isa upang mabuhay sila, kaya kahit anong mga pwedeng mapagkakakitaan ay kanyang pinasok. 


"Meron doon dumpsite, doon tinatapon ang mga hindi na nabebenta sa mga grocery stores, mga noodles, mga tunaw na ice cream so doon kami nakaabang," kumikita lamang sila ng piso kada kilo ng kanilang mga naiipong basura.


Nagiging labandera din siya sa halos mga kapitbahay niya noon. Kinokolekta niya ang mga sako-sakong labahin at nilalakad ang kilo-kilometrong layo ng ilog na paglalabhan. 




"Naglagay pa ako ng paskil sa bahay namin 'Labada 50 kada Sako' kami na ang maglalaba sagot ko na rin ang sabon. Ngunit kahit sa lahat ng hirap na kanyang naranasan, hindi kailanman nawala sa kanyang isipan ang pangarap na kaginhawaan sa buhay. 


"To escape from poverty, naisip kung mag-asawa nalang ako. I was 18, nung naisip ko yun pero napunta pa ako sa mas worst, mas naghirap ako, nagkaron ng pisikal na pang-aabus0,"  


"Sabi ko ito ba talaga ang kapalaran ko, hindi ba talaga ako pinanganak upang magkaron ng asenso sa buhay,"


Lumala pa ang kalbaryo niya sa kamya ng kanyang asawa, naging bayol3nte ito at maging ang anak nila at mga kapatid niyay sinasaktan.


"Lumabas ako ng bahay namin, hindi ko na alam kung ako paba 'yon. Wasak ‘yong mukha, may mga peklat ako rito and you can still see the scars. Puro dug0-dug0 ako.” 



Kahit sa hindi matapos tapos na mga pagsubok dumating sa kanya, hindi siya kainlanman sumuko sa mga paghihirap niya sa buhay. Naghanap ulit ng mapapasukang trabaho at pinatos maging ang pagtatrabaho bilang isang GR0 sa bar at doon niya nakilala ang isang kustomer na nakatadhana para sa kanya na siyang babago sa takbo ng kanyang kapalaran. 


Pinag-aaply siya bilang isang telephone operator sa kompanya at napromote sa  kanyang posisyon, ngunit kailangan pa niyang  humanap ng iba png mapagkitaan kaya siya nag-abroad. At ng makapag-ipon, bumalik ng bansa at nagtayo ng sariling computer shop, hanggang nasundan ng karenderya. Inaral din ni Cristel ang negosyo meron sa pagdadive at tuluyang nagtayo ng sariling kompanya ng diving. 









At ng makaipon ulit ay nag franchise ito ng food cart business kung saan napalago niya ito hanggang sa ngayon nagmamay-ari na siya ng isang dampa restaurant sa Antipolo. Nagpatayo pa siya ng 12-food cart na kasama ng bar at resto narin. 


"I never beg. Never akong namalimos kasi malakas naman ang katawan ko. Maraming resources ang paligid natin. So, why not work?,"


Nagbunga lahat ng pagususumikap at mga pinagdaanan sa buhay noon ni Cristel. Kung noon ay nakikitira at sa kubo lang sila natutulog, nakapagtapayo na siya ng kanilang sariling bahay, nakapundar ng mga sasakyan, at kung noo'y pabarya-barya ang kita sa paglalako at paglalabandera ngayon higit kalahating milyon na ang kinikita kada buwan. 





Ngunit kahit napakalaki na ng pagbabago na kanilang estado ng pamumuhay ay hindi kailanman nagbago si Cristel, bagkus ay ibinabalik niya sa kanyang komunidad ang mga umaapaw niya ng mga biyaya. 


Tunay na ang buhay ay maikukumpara sa isang gulong, patuloy itong umiikot at hindi nangangahulugan na kung sadlak ka man ngayon sa kahirapan ay mananatili ka sa hirap ng sitwasyon, maaaring umikot at pumabor sayo ang kapalaran upang guminhawa at umasenso hanggat may pangarap, diskarte, dasal at walang kapantay na determinasyon, magtatagumpay ka sa buhay! 


***

Source:  Rated Korina

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!